Facebook

Minero na tulak timbog sa CamNor

Isang lalaki na kabilang sa listahan ng Street Level Individual (SLI) ng PNP ang naaresto ng pinagsanib pwersa ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation nitong Hunyo 4, 2021 sa Purok 4, Brgy. Itomang, Talisay, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Mark Clent Nacion y Cabate, 37 anyos, minero, at residente ng Purok Camagong, Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Nakuha sa nasabing operasyon ang iligal na droga na umaabot sa humigit kumulang na Php7,500.00 ang halaga at tinatayang may timbang na humigit kumulang sa isang (1) gramo.

Kasong paglabag naman sa Sections 5 at 11 Article II ng RA 9165 ang inihahanda ng mga tauhan ng Talisay MPS laban kay Cabate.

The post Minero na tulak timbog sa CamNor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Minero na tulak timbog sa CamNor Minero na tulak timbog sa CamNor Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.