Facebook

Tulak tiklo sa P8k shabu

Timbog ang isang lalaking kabilang sa Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS) ng PNP sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba sa Purok 5, Brgy IV, Daet, Camarines Norte nitong Hunyo 4, 2021

Kinilala ang suspek na si Emmanuel Nebria, 30 anyos, residente ng P4, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte.

Nakuha sa suspek ang isang maliit na pakete ng shabu kapalit ng limang daang piso (Php500.00) bilang marked money, isang coin purse na naglalaman ng anim na pirasong pakete ng shabu, isang nakatiklop na papel na naglalaman ng apat pang piraso ng shabu na nagkakahalaga ng umaabot sa humigit kumulang Php8,000.00 at may timbang na humigit kumulang isang gramo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon si Nebria.

The post Tulak tiklo sa P8k shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tulak tiklo sa P8k shabu Tulak tiklo sa P8k shabu Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.