Facebook

Motorsiklo sinalpok ng pickup: 1 patay, 2 sugatan

Patay ang isang katao at dalawa ang sugatan nang salpukin ang motorsiklo ng humaharurot na pickup sa national highway sa bayan ng Mabini sa Davao de Oro Biyernes ng gabi.

Ayon sa driver ng motorsiklo na si Arjie Masillones, kaangkas niya ang live-in partner na si Gemman Sobriano at kanilang 1-taong gulang na anak.

Sa ulat, pakaliwa umano ang motorsiklo pagdating nito sa nasabing lugar nang salpukin ng humaharurot na pickup mula sa kabilang lane.

Naisugod pa ang pamilya sa Davao de Oro Provincial Hospital pero idineklarang patay si Sobriano dahil sa matinding natamong sugat sa ulo. Nakaligtas naman si Masillones at anak nito.

Tumakas naman ang driver ng pickup matapos ang aksidente.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang aksidente para matukoy ang driver ng pickup na nakabangga sa motorsiklo ng pamilya.

The post Motorsiklo sinalpok ng pickup: 1 patay, 2 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Motorsiklo sinalpok ng pickup: 1 patay, 2 sugatan Motorsiklo sinalpok ng pickup: 1 patay, 2 sugatan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.