Facebook

Wanted sa rape sa Samar, huli sa Maynila

Arestado ang isang binata na tinaguriang top 3 most wanted person sa provincial level sa kasong rape.

Kinilala ang suspek na si Marjone Pirante, 21, alyas Totoy helper, tubong Brgy Bolosao, Lawaan Eastern Samar at kasalukuyang nakatira sa Pasig Palengke Mega Market, Caruncho Avenue, Pasig City.

Sa report, naaresto si Pirante sa Pasig Mega Market, Caruncho Avenue, Pasig City 9:00 ng umaga ng Sabado.

Nabatid na bitbit ng mga tauhan ng MPD-10 ang alias warrant of arrest sa kasong rape laban sa kay Pirante.

Walang inirekomendang piyansa si Judge Evelyn P. Rinos-Lesigues, Acting Presiding Judge, RTC Branch 42, Balanginga, Eastern Samar sa kaso ni Pirante na nangyari pa sa nasabing lalawigan.(Jocelyn Domenden)

The post Wanted sa rape sa Samar, huli sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Wanted sa rape sa Samar, huli sa Maynila Wanted sa rape sa Samar, huli sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.