Facebook

ANG DOROBONG ONE STOP SHOP PH!

KUNG puwede nga lamang paliguan ng mura ang mga dorobong nasa likod ng ONE STOP SHOP PH na bumiktima na ng mga walang kalaban-labang online shoppers sa internet sa kanilang modus operandi ay masasabing makatwiran lamang.

Ang ONE STOP SHOP PH ay isang bogus at manglolokong online seller na ang ultimate goal at pakay ay makalamang sa kanyang kapwa.

Wag na po nyong antayin na maloko pa kayo at madagdag sa napakahabang listahan ng dinorobo at tinarantado ng peke at balasubas na kumpanyang ito.

Isa sa pinakahuling biktima ng ONE STOP SHOP PH ay itong si Manoy Ervin na umorder ng seat cover para sa isang Toyota Innova sa nakakaengganyong promo price na Php 2,799.

Ofcourse kung ganito kababa ang presyo o promo price,sino nga ba ang di mapapalundag na kostumer.

Pero wag ka,talagang panloloko at modus ang diskarte ng ONE STOP SHOP PH dahil iba ang ipinakita nitong sample sa internet sa idiniliver nito kay Manoy Ervin.

Imbes na pang Toyota Innova,pang kotseng Sedan ang dumating.

Kahit sinong kupal na kostumer alam na ang seat cover na pang Sedan ay di uubra sa isang SUV.

Pero pinagtitigasan at ipinagpipilitan ng ONE STOP SHOP PH na puwede daw at hindi na nila maaaring palitan!

Kung hind ba naman mga gago at ulol itong mga ito na ultimo pangalan at cellphone number ay hindi maaaring ibigay o kunin ng kostumer.

Nang i-verify ang address ng ONE STOP SHOP PH sa courier company na nagdeliver,napag-alaman ng complainant na si Manoy Ervin na sa Nueva Ecija pa ang office address nito at walang exact location.

May cellphone number (09952023314) naman ang balasubas na ONE STOP SHOP PH pero di makontak.

So sa ganitong istilo at diskarte,bistado agad na lokohan ang lakad ng online company na ito.

Di tayo naniniwalang walang record sa shipping courier ang ONE STOP SHOP PH na ito sakaling may bulilyasong mangyari.

Paano kung may nakaipit na droga pala sa package na pinapadeliver,di na mahahabol ang tunay at original sender?

Buo ang paniniwala natin na posibleng pinagtatakpan lamang ng shipper ang dorobong ONE STOP SHOP PH,worst baka magkasapakat pa and dalawang kumpanya.

Hindi naman praktikal na asuntuhin pa ni Manoy Ervin ang balasubas na kumpanya dahil lalo lanang lalaki ang perwisyong pinansiyal na idinulot nito sa biktimang kostumer.

Sapat na marahil malaman ng publiko ang raket at mga panlolokong ginagawa ng ONE STOP SHOP PH.

Naway maging babala na ito sa mga naeengganyong bumili thru online lalo na sa mga promos na may intensyong makagulang at makapanloko ng mga would be kostumer.

Too good to be true ika nga.

Para kang hinoldap lamang nang harap-harapan.

Again beware of ONE STOP SHOP PH!

Dorobo po ang mga taong nasa likod ng kumpanyang ‘yan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post ANG DOROBONG ONE STOP SHOP PH! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ANG DOROBONG ONE STOP SHOP PH! ANG DOROBONG ONE STOP SHOP PH! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.