Facebook

Ambulansya pumasok sa EDSA busway, sinalpok ng bus: 8 sugatan

Isinugod sa Mandaluyong City Medical Center ang walong katao nang magbanggaan ang ambulansiya at bus sa southbound ng EDSA tunnel sa Mandaluyong City.

Ayon sa driver ng ambulansiya, meron siyang susunduing pasyente nang dumaan siya sa EDSA busway pero sinalubong siya ng bus kaya nagkasalpukan.

Sa lakas ng impact, tumaob ang ambulansya at wasak ang harapang bahagi ng bus.
Nagdulot ng matinding trapiko ang aksidente.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Colonel Bong Nebrija, kasalanan ng driver ng ambulansiya dahil sinalubong nito ang southbound bus.

Samantala, nakalabas na sa pagamutan ang mga sugatang pasahero ng bus.

The post Ambulansya pumasok sa EDSA busway, sinalpok ng bus: 8 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ambulansya pumasok sa EDSA busway, sinalpok ng bus: 8 sugatan Ambulansya pumasok sa EDSA busway, sinalpok ng bus: 8 sugatan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.