NASA 41 lugar na sa bansa ang itinaas na ng Department of Health (DOH) sa Alert Level 4 sa COVID-19.
Batay sa datos ng DOH, ang mga lugar na nasa pinakamataas na COVID-19 alert classification o Alert Level 4 ay ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela sa National Capital Region (NCR); Apayao, Baguio City, at Benguet sa Cordillera Autonomous Region (CAR); Dagupan City at Ilocos Norte sa Region 1.
Kasama rin naman ang Cagayan at Quirino sa Region 2; Angeles City, Pampanga, at Tarlac, sa Region 3; Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City, at Rizal, sa Region 4A; Naga City sa Region 5; Aklan, Iloilo, at Iloilo City sa Region 6; Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Siquijor sa Region 7; Ormoc City sa Region 8; Bukidnon, Cagayan De Oro City, at Camiguin sa Region 10 at General Santos City at South Cotabato sa Region 12.
Samantala, kabilang naman sa mga naturang lugar na nasa Alert Level 4 at nakapagtala na rin ng Delta variant ng COVID-19 ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, Valenzuela, Apayao, Ilocos Norte, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Iloilo, Iloilo City, Cebu, Cebu City, Lapu-lapu City, at Cagayan de Oro City.
Nabatid na ang mga lugar ng Dagupan City, Rizal, Aklan, Malabon, Muntinlupa, Navotas at Valenzuela ay dating nasa Alert Level 3 lamang at naitaas ng alerto.
Anang DOH, ang isang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 4 kung ang risk classification nito ay nasa moderate to critical at ang healthcare utilization ay mas mataas sa 70%.
Nilinaw naman nito na ang alert level ay hindi katumbas ng community quarantine classification. (Jonah Mallari)
The post DOH: 41 lugar nasa Alert Level 4 sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: