Facebook

PULIS NA AYAW MAGPABAKUNA ITATAPON SA MGA PROBINSYA!

POSIBLENG i-reassign ng Philippine National Police (PNP) sa island provinces ang mga tauhan nito na ayaw magpabakuna.

Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, base sa kanilang online survey, 6% mula sa kabuuang bilang ng mga pulis sa bansa ang ayaw magpabakuna.

Ayon kay Eleazar, iginagalang nila ang karapatan ng mga pulis na tumanggi magpabakuna pero pinag-iisipan din nilang ilipat sila sa mga lugar na wala o may mababang Covid-19 infections para sila ay maproteksyunan.

“Ayaw nila magpa-bakuna, e andito sila sa Metro Manila na alam naman natin na ang taas ng impeksyon. Hahanap tayo ngayon ng lugar na talagang mababa ang infection, walang infection, i-reassign natin. May mga island province na walang infection, e di doon sila para walang panganib sa kanila. Yun naman e concern natin yun sa kanila, di ho ba?”, ani Eleazar.

Sa ngayon, 30% na ng mga pulis sa buong bansa ang fully vaccinated at 30% ang nakatanggap na ng unang dose ng Covid-19 vaccine.

Habang dito sa National Capital Region (NCR), 45% ang fully vaccinated at 43% ang naturukan ng unang dose. (Gaynor Bonilla)

The post PULIS NA AYAW MAGPABAKUNA ITATAPON SA MGA PROBINSYA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PULIS NA AYAW MAGPABAKUNA ITATAPON SA MGA PROBINSYA! PULIS NA AYAW MAGPABAKUNA ITATAPON SA MGA PROBINSYA! Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.