KINUMPIRMA ng Malakanyang na sinuspinde muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 7 days quarantine period para sa mga fully vaccinated close contacts ng mga suspected at confirmed COVID-19 cases.
Magugunitang noong Hulyo ay pinaikli ang quarantine period para sa mga fully vaccinated individuals basta’t sila ay asymptomatic.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang desisyong suspindehin ang protocol ay bahagi ng mga pro-active measure ng gobyerno upang mapabagal ang COVID-19 cases at mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.
Dahil dito, lahat ng close contact ng mga pasyenteng may COVID-19 ay dapat na sumailalim sa 14-day quarantine.
Nilinaw pa ni Roque na kung makaranas ng sintomas o magpositibo sa sakit, dadalhin sila sa ospital o isolation facilities kung saan sila gagamutin. (Josephine Patricio)
The post 7 days quarantine period para sa fully vaccinated close contacts sinuspinde ng IATF appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: