PUMALO sa 12,021 ang bilang ng bagong kaso na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Agosto 11.
Dahil dito ang kabuuang kaso na ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na sa 1,688,040.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,591 na gumaling at 154 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (81,399) ang aktibong kaso, 93.4% (1,577,267) na ang gumaling, at 1.74% (29,374) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 9, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, pinaaalalahanan ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards. Kapag naman nakaranas ng mga sintomas ay agad na mag-isolate at kontakin ang inyong Barangay Health Emergency Response Teams.
(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 12,021 bagong kaso; 9,591 gumaling; 154 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: