Facebook

Ang gulu-gulo ng idols ninyo!

NGAYONG eleksyon lang nangyari na mas “magulo pa sa bulbol” ang mga kandidato sa pagka-Bise at Presidente.

Oo! Kung noong Disyembre 2016 ay nalito tayo sa “substitution” na ginawa ni noo’y Davao City Mayor Rody Duterte kay noo’y Barangay Chairman Martin Dino para sa pagtakbong Presidente, mas malupet ang nangyari ngayon, nahilo, natulala, natulero, nabuang ang mga tagasuporta ng Duterte at Marcos sa last day ng substitution para sa mga tatakbo sa ‘22 national/local elections.

Legal naman talaga ang substitution, nasa Saligang Batas ito. Pero nababoy ang batas sa urong-sulong, sulong-urong ng mga kandidatong nagugulangan. Kaya ang kanilang supporters ay hindi malaman ang gagawin, hindi alam kung saan papanig.

Mantakin mo, mga repapips, okey na sana ang lahat sa pag-Bise ni Sara Duterte-Carpio kay Bong Marcos. Palakpakan ang mga DDS at BBM. ‘Yun naman kasi ang talagang gusto nila, sanib-puwersa. Bagyo talaga ang dating, ang lakas, parang Yolanda. Sabi nga nila “uwian na, may nanalo na!!!”

Pero sa loob lang ng isang oras ay nabago ang ihip ng hangin, nag-Habagat tapos nag-Amihan. Bigla ba namang nag-file ng kandidatura sa pagka-Pangulo mula sa Bise ang most trusted man ni Pangulong Duterte na si Senador Bong Go. Tapos inanunsyo pang Bise niya si Pangulong Duterte. Eh di nahilo ang mga DDS at BBM. Hindi malaman kung ano ang isisigaw sa social media. Hehehe…

At nitong Lunes, umaga pa ay nagkabuhol-buhol ang trapik sa main office ng Comelec sa Intramuros, Manila. Dahil sa pagdagsa ng Sara supporters na mga nakasuot ng blue at bitbit ang malalaking tarpaulins na may nakasulat na “Sara for President”. Kung saan-saan galing sa Metro Manila ang mga ito. Chapter-chapter sila. Siksikan sila sa bangketa, ang iba walang facemask. Sana hindi maging cause ng pagkalat ng virus at sana hindi sila trangkasuhin matapos ulanin sa gitna ng init.

As of 6:00 pm ng Lunes, habang sinusulat ko ang pitak na ito ay wala pang Sara Duterte-Carpio na natanaw sa Comelec.

Pero si President Duterte ay nagpapunta ng kinatawan para mag-file ng Senador para sa kanya. So, hindi VP ang takbo nya. Maliwanag na ito. Hindi sila magbubugbugan ng kanyang mahal na anak, Inday Sara.

Hindi kaya sa circus na nangyayaring ito ay mabuwisit ang kanilang supporters at hindi na sila iboto? Alin kina Isko Moreno, Ping Lacson at Manny Pacquiao nalang ang kanilang susuportahan?

Pero higit na aani ng bentahe rito si Leni Robredo at kanyang Bise na si Kiko Pangilinan. Consistent ang paglawak ng kanilang supporters, hanggang ibang bansa na ang kanilang kakam-pink. Mismo!

Nag-file din ng kanyang kandidatura via substitution sa pagka-Senador ang kareretiro lang na PNP Chief na si Guillermo Eleazar.

Si Eleazar ay sumama sa tiket ng Lacson-Sotto tandem.

Malakas sa masa itong si Eleazar. Humble kasi. Nasa kanya nang lahat ang katangian para sa isang Senador. Iboboto ko siya. Iboto nyo rin, mga repapips!

Sa SWS Presidential survey na lumabas nitong Lunes, nangunguna si Marcos na may 47%, sumunod si Robredo (18%), Moreno (13%), Pacquiao (9%), Lacson (5%), Bato (5%). ‘Di pa kasama rito si Bong Go na nitong Sabado lang nag-file para Presidente.

Huwag bibitiw!!!

The post Ang gulu-gulo ng idols ninyo! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ang gulu-gulo ng idols ninyo! Ang gulu-gulo ng idols ninyo! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.