Facebook

Agot, Pokwang at Ogie isinabit sa P1B kaso ni Enchong

BIKTIMA ngayon si Enchong Dee ng cyber bullying at trial by publicity dahil sa kinakaharap nitong P1 billion cyber libel case na isinampa ni DUMPER (Drivers United for Mass Progress and Equal Rights) Partylist Rep. Claudine “Dendee” Bautista-Lim.

Sa ulat, nag-ugat ito sa ‘reckless tweet’ ni Enchong sa kanyang Twitter account kungsaan sinita nito ang bonggang kasal sa Balesin Island ni Congw. Dendee sa gitna ng pandemya at inakusahang galing sa kaban ng bayan ang ginastos sa naturang wedding.

Sa report, nainsulto at nasaktan ang kongresista, maging ang asawa at mga kapamilya nito sa ginawa ni Enchong.

Pero kahit agad nag-sorry at binura ni Enchong ang kanyang controversial tweet, kinasuhan parin siya ng DUMPER Partylist Representative.

Sa ngayon, wala pa ring pahayag si Enchong sa kinakaharap na kaso, pero naka-restrict na ang kanyang IG account at hindi na makakapag-comment ang mga netizens.

Pero sa Facebook at iba pang online platforms, tuloy ang pambu-bully kay Enchong ng mga netizens, at pati sina Agot Isidro, Pokwang at kapatid na Ogie Diaz na nag-tweet din noon tungkol sa bonggang kasal ni Congw. Dendee gustong idamay ng ilang netizens.

Ayon sa ilang netizens, dapat kasuhan din ng cyber libel tulad ni Enchong ang naturang celebs dahil mahilig daw makisawsaw at ang daling mag-judge nang hindi muna inaalam ang background ng kongresista.

Pero may mga nagtanggol din kina Agot, Pokwang at Ogie na hindi naman daw libelous ang comments unlike kay Enchong na inakusahang korup si Congw. Dendee.

The post Agot, Pokwang at Ogie isinabit sa P1B kaso ni Enchong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Agot, Pokwang at Ogie isinabit sa P1B kaso ni Enchong Agot, Pokwang at Ogie isinabit sa P1B kaso ni Enchong Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.