Facebook

1 patay, 3 sugatan sa karambola sa Maynila

ISA ang patay at tatlo ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Sampaloc, Maynila.

Kinalala ang nasawing rider na si Mark Vincent Hermoso, 25 anyos, binata, office staff at nakatira sa Liberation St., Galas, Quezon City.

Sugatan naman sina Police Corporals Anthony Quizon, 30; at George Danne Navida, kapwa nakatalaga sa MPD-Barbosa Police Station; at sibilyan na si Angelica Ajon, na pawang isinugod sa Chinese General Hospital.

Naaresto ang nakabangga na si Russelle Besabe, 46, ng La Loma Street, Quezon City.

Sa pinakahuling ulat ng MPD, sakay si Hermoso ng kaniyang motorsiklo at binabagtas ang Andalucia Street sa Sampaloc nang banggain sa likuran ng isang kotse na minamaneho ni Besabe. Sa lakas ng pagkakabunggo, tumilapon ang biktima dahilan para mabagok ang kanyang ulo sa konkretong kalsada.

Nang rumisponde ang pulisya, biglang pinaharurot ni Besabe ang kaniyang sasakyan na bumangga sa patrol car dahilan para tamaan rin ang mga pulis at si Ajon na nasa loob ng mobile.

Sa pag-iimbestiga ng Manila Traffic Bureau, nalaman na nakainom si Besabe, na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting into Homicide, Multiple Physical Injuries at Damages to Properties.(Jocelyn Domenden)

The post 1 patay, 3 sugatan sa karambola sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 patay, 3 sugatan sa karambola sa Maynila 1 patay, 3 sugatan sa karambola sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.