Facebook

BONG GO: PROTEKTAHAN KINABUKASAN NG KABATAAN, DUTERTE LEGACY

Ipagpapatuloy ni presidential candidate Senator Christopher “Bong” Go na pagtibayin ang legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kinabukasan ng sambayanang Filipino, lalo ng mga kabataan.

“Kailangan ko pong (umangat) para sa mga kapartido ko at sa sambayanang Pilipino, lalung-lalo na kay Pangulong Duterte… to save the legacy and protect the Filipino people. Ipagpapatuloy ko po ang pagbabago. Tuloy ang malasakit at tuloy ang serbisyo,” ang pangako ni Go.

Ipinaalala ni Go sa mga kapwa kandidato na lubos na isapuso na kaya nila ninanais na maluklok sa pampublikong posisyon ay upang mabigyan ng tunay na serbisyo ang sambayanan.

“There is nothing greater than serving our fellow Filipinos with utmost sincerity and loyalty. When the dust settles and after all has been said and done, what is important is that the Filipino people should eventually be the winner in this exercise of democracy,” idiniin ni Go.

Hinalilihan ni Go si Grepor Belgica bilang standard-bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan sa pagkapangulo sa darating na May 2022 polls.

Personal siyang sinamahan ni Pangulong Duterte sa Commission on Elections main office sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni Go na ang kanyang hakbang ay kolektibong desisyon ng kanyang partido na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ng alyansang nabuo nito.

Binanggit ni Go na ang pagtakbong pangulo sa halalan ay isang malaking hamon para maisalba ang ang legasiya ni Pangulong Duterte at upang ipagpatuloy ang positibong pagbabago na nasimulan ng Chief Executive, gayundin ang proteksyonan ang kinabukasan ng sambayanan.

“The Duterte administration has made many significant milestones that have benefitted our nation: from his decisive leadership, to the projects that commenced and completed under his watch, to the many programs that have improved the lives especially of those who need our help the most — the poor, the needy, the hopeless, and the helpless — all of them being our priority in our endeavors in public service,” ayon sa kandidatong pangulo.

Ayon kay Go, nakasentro ang kanyang kandidatura sa prinsipyong “continuity, compassion, malasakit, at tunay na serbisyo” na natutuhan niya sa mahigit dalawang dekada niyang pagtatrabaho, kasama si Pangulong Duterte.

Nilinaw ni Go na hindi sumagi sa isip niya ang anumang ambisyon hanggang sa dumating siya sa desisyong ito dahil kinakailangan.

“As we have learned in the past, those who seek power do not end up victorious. Voters choose leaders who have a genuine desire to serve others.”

“While admittedly, I had my hesitations to run for President at first, I had to answer the call of many Filipinos who had sacrificed so much to give President Duterte the opportunity to serve them and would want this kind of leadership to continue through me,” ang paliwanag ng presidential bet.

Sinabi ni Go na kapag siya ay naluklok na pangulo, wala siyang sasayanging oras, minuto o segundo para masigurong ang susunod na henerasyon ay magbenepisyo sa lahat ng progresong naisakatuparan ng Duterte administration.

Determinado aniya siyang ipagpatuloy ang kanyang papel bilang tulay ng mahihirap, mga nangangailangan at nawawalan ng pag-asa para mailapit ang serbisyo ng pamahalaan.

“This is the Duterte legacy that we continue to pursue on behalf of our people who deserve nothing less but a secured future for our children,” ayon kay Go.

The post BONG GO: PROTEKTAHAN KINABUKASAN NG KABATAAN, DUTERTE LEGACY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO: PROTEKTAHAN KINABUKASAN NG KABATAAN, DUTERTE LEGACY BONG GO: PROTEKTAHAN KINABUKASAN NG KABATAAN, DUTERTE LEGACY Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.