Facebook

Substitution!

Madalas natin madinig ang salitang yan sa mga game. “ Fajardo for Tautuaa,” sigaw ng arena barker gaya nina Noel Zarate, Rick Stryker at ang yumaong si Rolly Manlapaz.

Nagpapalit ng mga player ang coach para mag-sub sa mga pagod na o masama ang laro sa kanyang mga cager. Pwede rin kahalili sa maramin ng foul o napilayan.

Kahapon deadline na ng substitution ng mg accredited na political party para sa kanilang mga pambato. Madami-dami rin ang sumadya sa opisina ng Comelec upang maghain ng mga papeles sa kanilang line-up. May mga sorpresa. May mga nahulaan na pagbabago noon pa man. May gumamit ng lumang script.

Nguni’t hindi ito para sa mga independent bet. Wala silang ganitong benepisyo.

Ang maaari lang nila gawin ay mag-withdraw sila sa halalan para hindi masayang pa pag-print ng kanilang mga pangalan sa balota.

Ayon kay Tata Selo ay dapat patawan ng parusa ang mga placeholder o kaya ay ikonsidera silang nuisance candidate.

Pati raw fine na di bababa sa P100k para madala sa pambastos sa ating mga batas.

***

Nais ng San Miguer Beer na pabatain ang kanilang line-up kaya pinakawalan na ang mga haliging sina Alex Cabagnot at Arwind Santos. Si Alex kasi ay 39 taong gulang na sa Disyembre habang si Arwind ay 40 anos noong Hunyo.

Baka isunod na diyan sina Chris Ross (36) at Marcio Lassiter (34) habang may papayag pang kunin ang naturang mga beterano.

Kung sabagay ay nadagdag na ng SMB ang mga mas batang Terrence Romeo (27) at CJ Perez (27) kaya pwede na bitawan ang mga nagkaedad na.

Si JuneMar Fajardo (31) na orihinal sa koponan ang nakikita natin na mananatili sa Beermen hanggang retirement. Siya kasi ang mukha ng team.

***

Masaya naging episode natin noong Sabado sa Boomer’s Banquet kung saan bisita natin sina Norman Black, Lito Cinco at Almond Cajefe. Nagpa trivia quiz pa tayo hinggil sa NBA sa apat na naiwan sa podcast noong kalahatian ng programa. Dahil tayo ang pinaka-preparado ay tayo ang nagwagi. Lahat nagtanong. Tig-isa bawa’t round. 2 ikot. Naka-4 points ang inyong lingkod. Hehehe.

Maaari ninyo matunghayan ang palabas sa YouTube (https://www.youtube.com/watch?v=iRJEkkfnn9k) at FB Live ( https://ift.tt/3kDEbGG ).

The post Substitution! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Substitution! Substitution! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.