Facebook

Jem Ferrer umanib sa Choco Mucho Flying Titans

NAKUHA ng Choco Mucho Flying Titans ang veteran setter na si Jem Ferrer upang palakasin ang kanilang lineup sa parating na Premier Volleyball League campaigns.

Inanunsyo ng team ang development sa kanilang social media account Lunes, ang pagtanggap sa dating Ateneo Lady Eagles standout.

“Welcome home, Jem Ferrer!” naka-post sa kanilang Twitter.

“We’re proud to have you on the team, Titan!”

Makakasama ni Ferrer ang kapwa Lady Eagles Deanna Wong,Maddie.

Madayag,Ponggay Gaston,Kat Tolentino,Denden Revilla, Kim Geguillana at Bea De Leon.
Si Ferrer ay naglaro sa Perlas Spikers mula 2017, naglaro rin siya sa BaliPure sa 2016 at PLDT mula 2013 hanggang 2015.

Puntirya ng Flying Titans na malagpasan ang kanilang fourth place finish sa 2021 Open Conference sa Ilocos Norte nakaraang Agosto kapag nagbukas ang bagong season.

The post Jem Ferrer umanib sa Choco Mucho Flying Titans appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jem Ferrer umanib sa Choco Mucho Flying Titans Jem Ferrer umanib sa Choco Mucho Flying Titans Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.