PINAMUNUAN ni Mark Espejo ang opensiba ng FC Tokyo upang idispatsa ang JT Hiroshima, 25-21, 25-16,24-16,24-26,25-17, sa Japan V.League sa Sumida Ward General Gymnasium.
Tumipa si Espejo ng 16 points mula sa 11 attacks,three kill blocks at two aces para bumangon mula sa four-set loss sa Thunders sa nakalipas na 24 oras.
Norwegian import Jonas Kvalen umiskor ng 16 points on 13 spikes, two aces at block. habang si Yanagimachi Ita nagdeliver ng 15 points, Daigo Yamada kumana ng five attacks, four blocks at two aces para sa 11 marka.
Napagtagumpayan ng FC Tokyo ang tatlo sa huling apat na laban para umangat sa 3-7 rekord, kapantay ang kanilang katunggali sa seventh place.
JT Aussie spiker Thomas Edgar, na umiskor ng 31 sa Biyernes ay nagtapos ng 25 points sa kanilang talo.
Taishi Onodera bumakas ng 14 points, off nine kills, four blocks at ace, para sa Thunders, habang si Kenta Nakajima nine points.
Balik sa aksyon ang FC Tokyo sa November 25, laban sa No.4 Toray Arrows (6-3).
The post Marck Espejo pinamunuan ang atake ng FC Tokyo vs JT Hiroshima appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: