Facebook

Blood is thicker than water

SOBRANG init na ng pulitika ngayon dito sa ating bansa.

Ang ipinahayag nitong Sabado ng hapon ni PCCO Secretary Martin Andanar patungkol sa umano’y planong pagtakbo ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa VP race ay hindi naging katanggap-tanggap sa mga anak ng Pangulong Duterte, partikular na kay Inday Sara na una nang nagdeklara ng kanyang kandidatura sa posisyon ng bise presidente sa ilalim ng partidong Lakas-CMD at sa kapatid nitong si Davao City 1st District Congressman Paolo “Pulong” Duterte.

This is the most stupid thing na gagawin ng Pangulong Digong kung itutuloy niya ang kanyang plano at magpapatianod sa diskarte ng PDP-Laban Cusi wing.

It could be disastrous sa kampo ng mga Duterte at sa administrasyon.

It could mean doom for all of them!

Kung isa na naman itong bluff ng kampo ng Pangulo para pag-isipin ang mga kalaban sa pulitika, mukha di ito magandang galawan.

Sasabog ang lahat ng taong nakapaligid kay Tatay Digong kasama na dito ang mahal na Pangulo.

Mismong ang kanyang mga anak ang gagawa nito sa mismong pagmumukha ng Presidente.

Can you imagine kung gaano ito makaka-apekto sa lahat ng kandidato ng administrasyon lalo na at ang pagbira o tirades ay manggagaling at magmumula mismo sa bibig ng kanyang mga anak?

Tiyak na masasapol nang husto dito ay si PDP-Laban presidential aspirant at longtime aide ng Pangulong Duterte na si Senador Bong Go.

Si Senator Go ang isa sa mga unang tatamaan!

Tila na-under estimate ng Pangulo at ng mga confidante n’ya ang puwedeng gawin ni Inday Sara at Pulong Duterte.

It will be like a kamikaze offensive na walang makakaligtas at sabay-sabay silang lulubog.

Mabibigat ang mga pasabog na gagawin ng magkapatid sakaling ituloy nga ni Pangulong Duterte na kalabanin nang harapan ang kanyang anak na si Inday Sara.

It will trigger a war between and amongst Dutertes.

Irreparable ang magiging damage nito sa magkabilang kampo.

Nakakalungkot dahil isa tayo sa masusugid at loyalistang taga-suporta ng Pangulo, ni Inday Sara at ng idol nating si Sen. Bong Go na talaga namang nagsumikap at nagsipag na magserbisyo sa mamamayang Pilipino.

Di rin makukuwestiyon ang naging katapatan at di mapapantayang pagmamahal ni Sen. Go sa Pangulong Duterte sa loob ng mahigit 20 taon.

Nakakalungkot at napakasakit na ng dahil lamang sa pulitika ay ganap silang magkakadurog-durog.

Knowing exactly kung ano ang mga kayang gawin ng magkabilang panig ay talaga namang nakakatakot isipin.

Sa edad ngayon ni Tatay Digong at sa hirap na kanyang dinaanan sa pagtimon ng ating bansa sa ilalim ng isang pandemya, nakakaawang makita na siya na batikusin, pulaan at siraan ng kanyang sariling mga anak.

We pity Digong so much at kung may magagawa lamang tayo upang masabi sa kanya na ‘wag na niyang ituloy ang planong pagtakbo bilang bise presidente, ay atin sanang gagawin.

Ngunit sino nga ba tayo?

Lubhang napakaliit ng ating tinig upang tayo ay kanyang marinig.

Di natin siya personal na kakilala o kaututang-dila.

Ang kaya na lamang nating gawin sa ngayon ay magdasal na nawa’y gabayan siya ng Panginoon sa kanyang gagawing pagdedesisyon.

Blood is thicker than water ika nga, pero sa maselang sitwasyon ngayon, nananalangin tayong sumagi sana sa kaisipan ng Pangulong Duterte ang mga bagay na ito.

Walang idudulot na buti ang kanyang gagawing pagtakbo lalo na at ito ay maglalagay sa kanya at sa kanyang anak na si Inday Sara sa isang malaking kompromiso.

Wala na bang malalamig ang ulo na nag-iisip at nagpapayo sa Pangulong Duterte?

Saan mo mang anggulong tingnan, mali talaga from the very start!

Pati mga mamamayan ay nag-iisip na tuloy ng hindi maganda.

Pause and rethink everyone d’yan sa kampo ng mga Duterte.

Ang mata ng sambayanan ay nakatutok lahat sa inyo.

Sayang ang nag-aalab n’yong pagmamahal at pagmamalasakit sa mamamayan dahil nabubulag na kayong lahat sa galit at ngitngit.

May pagkakataong naipapanalo ang isang digmaan hindi sa pamamagitan ng bala kundi sa taktika ng pakikipag-usap sa kalaban!

Hindi naman talaga kayo magkakalaban in the first place.

Magkakaalyado nga kayo ngunit gaya ng anay o kalawang, unti-unti kayong sinira ng maruming pulitika.

Tila wala nang maayos mag-isip sa magkabilang kampo!

Bakit biglang nagkaganito?

Ang dating maliit na di pagkakaintindihan ay lumalim at naging matinding hidwaan sa pag-usad ng panahon.

Parang time bomb na naghihintay na lamang sumabog!

Sadyang nakakapanghinayang!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.

The post Blood is thicker than water appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Blood is thicker than water Blood is thicker than water Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.