PINURI ni Manila Mayor Isko Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna dahil sa superbisyon nito sa mass vaccination program ng pamahalaang lungsod kasabay ng kanyang anunsyo na 50 percent na ng pediatric population ng lungsod ang nabakunahan na sa loob lamang ng wala pang dalawang linggo simula nang magsimula ang pagbanakuna ng anti- COVID vaccine sa mga kabataan na edad 12-17.
Sa kanyang maiksing mensahe sa flagraising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes, pinuri din ni Moreno ang Manila Health Department sa pamumuno Dr. Poks Pangan at ang lahat ng bumubuo ng vaccinating teams sa kanilang mabilis at sistematikong paraan ng pagbabakuna sa general minor population.
Ayon pa kay Moreno, base sa bilang ng mga pre-registered minors, may 50 percent na ang naturukan at idinagdag din niya na welcome kahit hindi residente ng Maynila.
“We must act fast. We can beat this pandemic. Ang importante una sa lahat ay kusang disiplina. Pangalawa, magpabakuna,” sabi ni Moreno.
Ayon naman kay Lacuna , pinalawak na ng pamahalaang lungsod ang mass vaccination para sa qualified minors kung saan anim na public high schools ang idinagdag bilang vaccination hubs, maliban pa sa anim na city-run hospitals at apat na shopping malls.
Samantala ay pinuri din ni Moreno ang Manila Police District (MPD) sa ilalim ng director nitong si Gen. Leo Francisco sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kabila na bumaba na ang alert level restrictions sa lungsod.
Nanawagan din siya sa lahat ng mga miyembro ng MPD na patuloy na gawin ang pag-iingat habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin dahil naririyan pa rin ang pandemya.
Ganito rin ang panawagan ni Moreno sa lahat ng mga empleyado ng city hall na gumagawa ng kanilang tungkulin sa kabila na may pandemya. Sinabi ng alkalse na dapat ilagay nila sa kanilang isip na may pamilya silang umaasa sa kanila.
Muli, kapwa nanawagan sina Moreno at Lacuna sa mga magulang at guardians na irehistro na ang kanilang mga anak at alaga upang mabakuhan.
Ito ayon sa kanila ay ‘di lamang bilang proteksyon kundi bilang paghahanda sa kanilang mga anak sa posibleng pagbabalik ng face-to-face classes. (ANDI GARCIA)
The post Honey pinuri ni Isko sa superbisyon sa mass vaccination ng gen. minor population appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: