Facebook

Lalaking tsismoso kinatay ng tiyuhin

ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki nang saksakin ng tiyuhin dahil sa tsismis sa Batuan, Balasan, Iloilo.

Kinilala ang biktima na si Nico Agcawili, 29 anyos; at ang salarin ay si Simplicio Villariez.

Ayon kay Police Major Samuel Vipinosa, hepe ng Balasan Municipal Police Station, napag-alaman ni Villariez na nagpapakalat ng tsismis ang kanyang pamangkin.

Ayon kay Vipinosa, habang nagsisibak ng kahoy, sinaksak ng patalikod ni Villariez ang kanyang pamangkin ng limang beses na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, nasa ospital pa ang tiyuhin na sinaksak rin ng biktima.

The post Lalaking tsismoso kinatay ng tiyuhin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaking tsismoso kinatay ng tiyuhin Lalaking tsismoso kinatay ng tiyuhin Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.