Facebook

Magulo pa sa bulbol

MAGULO pa sa bulbol, sabi ng mga tambay, itong ginagawa ng mga anak at kaalyado ni Pangulong Rody Duterte. Tila pinagloloko at pinaglalaruan na nila ang mga botante. Kung sa pag-file palang ng kandidatura ay nanloloko na ang mga ito, what more ‘pag nasa puwesto na naman?

Kung sabagay expected na mangyayari ito, bahagi ng political strategy ng mga traditional politicians (trapo) na ayaw maalis sa kapangyarihan.

Oo! Nitong Martes ng umaga ay unang nagwidro ng kanyang kandidatura sa pagka-bise alkalde ng Davao City si Sebastian “Baste” Duterte, sunod ay ang kanyang sister Sara Duterte-Carpio.

Inanunsyo ni Baste ang kanyang substitute, isang abogado na nagtatrabaho sa kanila.

Inanunsyo rin ni Sara ang kanyang kapalit, si Baste!

‘Yun lang daw muna ang kanilang masasabi… Ngek!

Nag-iwan ito ng maraming haka-haka sa kanilang supporters at sa mga katunggali sa politika.

Ang mga political analyst kanya-kanya ring analisa sa mga posibleng mangyayari.

Para naman sa akin, ito ang mga posibilidad na magaganap bago matapos ang deadline ng substitution process sa Lunes, Nobyembre 15.

Si Sara ay tiyak na tatakbo sa national na posisyon, kung hindi Bise ay Presidente. Mismo!

Maaring palitan ni Sara ang presidential aspirant na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa o kaya’y ang vice presidential aspirant na si Sen. Bong Go.

Pero si Sara ay hindi miyembro ng PDP Laban, ang partido nina Bato at Bong Go.

Ayon sa Omnibus Election Code, ang puwede lamang mag-substitute sa isang kandidato ay ang kanyang ka-partido.

Si Sara ay miyembro ng partido Lakas-CMD.

Maaring tumakbo si Sara ng VP or President bilang independent, kung hindi siya manunumpa sa magulong PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Sabi ng bespren ni Sara na si Albay Congressman Joey Salceda, si Sara ay nagwidro as reelectionist mayor ng Davao City para kumandidatong Presidente, hindi Bise, sa ilalim ng Lakas CMD.

Kung ang target ni Sara ay Presidente, ang maaring magwidro ay si Bato.

Kung VP naman ang hangad ni Sara, tiyak bibitaw si Bong Go. Sayang pag umatras si Go, malakas siya survey.

Ito’y upang maging solid ang boto ng Duterte diehard supporters (DDS).

Pero malaking dagok kay presidential aspirant Bongbong Marcos kapag presidente nga ang asinta ni Sara. Mabibiyak ang kanilang supporters. Mag-aaway ang DDS at BBM keyboard warriors. Hehehe….

Pero ‘pag VP lang ang takbo ni Sara, bagyo sila ni Marcos kahit pa hindi sila magkapartido.

Pero sabi nga ni Cong. Salceda, wala sa isip ni Sara ang VP, Presidente talaga ang target! Nakausap niya raw si Sara ilang oras bago ito nagwidro sa kanyang kandidatura sa pagka-mayor.

Si Marcos naman ay never na aatras sa pagka-Presidente. Misyon niya makabalik sila sa Malakanyang para mabaliktad, malinis ang mga akusasyon laban sa kanila.

Si Sara puwede pang mag-VP at sa 2028 nalang kumasa sa presidential derby. Pero ibang kuwento na ‘yon…

Well, malalaman ang final answer sa Lunes. Abangan!!!

The post Magulo pa sa bulbol appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magulo pa sa bulbol Magulo pa sa bulbol Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.