Facebook

May-ari ng punenarya at driver patay sa pamamaril

PATAY ang may-ari ng isang punenarya at driver nito, habang sugatan ang isa pa nang pagbababrilin sa Sibagat, Agusan del Sur.

Nakilala ang mga biktima na sina Remer Basco, may ari ng funeral parlor; at Alden Egagamao, driver.

Samantala nilapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang si Ricci Jane Claros.
Sa report, 9:00 ng gabi naganap ang pamamaril sa Purok 5, Brgy. San Vicente, Sibagat, Agusan del Sur.

Ayon sa ulat, nag-uusap ang tatlong biktima nang sumulpot ang mga lalaki ngna armado ng baril at kaagad silang pinagbabaril, tinamaan sina Claros at Egagamao habang nagawa makatakbo ni Bascopero hinanol parin ito ng mga salarin at pinagbabaril.

Dead on arrival sa pagamutan si Basco habang binawian ng buhay si Egagamao habang ginagamot.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin.

Nakarekober ng mga basyo ng bala mula sa cal. 45 at 9mm pistols sa pinagyarihan ng krimen. (MARK OBLEADA)

The post May-ari ng punenarya at driver patay sa pamamaril appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May-ari ng punenarya at driver patay sa pamamaril May-ari ng punenarya at driver patay sa pamamaril Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.