Facebook

Utol ng ex-mayor itinumba

Patay ang 58-anyos na negosyante na kapatid ng dating alkalde nang pagbabarilin sa bayan ng San Juan, Batangas noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Major Arlan Perez, hepe ng San Juan Police, ang biktima na si Francisco Hidalgo Jr., tubong Barangay Quipot, San Juan, at residente ng Barangay Santiago, Malvar ng nasabi ring lalawigan.

Ayon sa report, 8:50 ng umaga kabababa lang ni Hidalgo sa kanyang sasakyan sa harap ng kanyang furniture shop sa Barangay Sico 1, San Juan nang lapitan ito ng limang armadong lalaki at pagbabarilin.

Dead-on-the-spot si Hidalgo nang magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.
Ayon sa mga saksi, tumakas ang mga salarin patungo sa bayan ng Rosario sakay ng kulay puting kotse.

“Tinitignan pa namin ang posibleng motive kung may kaugnayan sa kanyang previous activities,” ani Maj.Perez

Sa report, kapatid si Francisco ng dating mayor ng Balete na si Joven Hidalgo na napatay rin nang barilin noong Hunyo 9, 2017. (MARK OBLEADA)

The post Utol ng ex-mayor itinumba appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Utol ng ex-mayor itinumba Utol ng ex-mayor itinumba Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.