Facebook

Driver-bodyguard patay, barangay kapitan kritikal sa ambush sa Rizal

PATAY ang driver -bodyguard, habang nagtamo ng siyam na tama ng bala ng baril ang kapitan ng isang barangay nang pagbabarilin sa harap ng kainan sa Teresa, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Renato de Guzman, habang isinugod sa ‘di binanggit na ospital ang kapitan ng Barangay Calawis, Antipolo City, Rizal na si Allan Abunio.

Base sa rekord ng awtoridad, 4:00 hanggang 5:00 ng madaling araw nang tambangan ang mga biktima habang sakay ng itim na Innova Mivec (NEJ-6854) sa harap ng Amara Restaurant, Sitio Bulak, Brgy., Bagumbayan, Teresa.

Kaagad nasawi si De Guzman, habang kritikal si Abunio sa pagamutan.

Nabatid na 9 ang tama ng sasakyan sa passenger seat at 6 sa bahagi ng drayber na agad nitong ikinamatay.

Agad tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa krimen.(EDWIN MORENO)

The post Driver-bodyguard patay, barangay kapitan kritikal sa ambush sa Rizal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Driver-bodyguard patay, barangay kapitan kritikal sa ambush sa Rizal Driver-bodyguard patay, barangay kapitan kritikal sa ambush sa Rizal Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.