Facebook

MOA Globe nawawala?

VIRAL ngayon sa social media ang pagkawala ng sikat na MOA Globe sa SM Mall of Asia, na pinaniniwalaang ninakaw.

Nakita sa dashcam ng isang motorista na isang helicopter ang tumangay dito.

Bagaman palaisipan kung papaano at bakit kinuha ang malaking istruktura, naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng mall.

Naglabas na rin ng public notice ang management ng SM Mall of Asia (MOA) tungkol sa nawawalang Globe, na makikita sa mismong harapan at landmark ng MOA, na diumano’y nawawala na ng ilang araw.

Ayon sa SM MOA, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa imbestigasyon ng MOA Globe incident.

Base sa imbestigasyon ng Pasay City Police, nilinaw ng pulisya na ang MOA Globe ay hindi ninakaw at sumasailalim lamang sa isang maintenance.

Sa panig naman ni SM MOA manager Rosaly Salazar, nakapaglabas na sila ng statement para sa klaripikasyon na walang security concern na nangyari sa insidente ng Globe at naimpormahan narin nito si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano tungkol sa pangyayari.

The post MOA Globe nawawala? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MOA Globe nawawala? MOA Globe nawawala? Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.