Facebook

Manyak ni-rape ang 5 pinsan

ARESTADO ang 28-anyos na lalaki na inireklamo ng panggagahasa sa lima niyang pinsan na menor de edad sa Albay.

Hindi na pinangalanan ang lalaki para maprotektahan ang mga biktima.

Sa ulat, most wanted sa Albay ang suspek dahil sa 12 counts of rape na kaniyang kinakaharap.

Ayon sa mga awtoridad, isinagawa ng suspek ang panghahalay sa mga biktima sa magkakaibang pagkakataon na minsan sa mismong bahay nito.

Nasa edad pito hanggang 13 ang mga biktima.

“Doon mismo sa loob ng bahay ng suspek ginagawa ‘yung panghahalay at may pagkakataon din na kung minsan doon mismo sa loob ng bahay ng biktima ginagawa ng suspek, pinagsasamantalahan niya pagwala doon ‘yung magulang at kapatid,” pahayag ni Police Captain Richard Asis, hepe ng Sta. Cruz, Zambales Police.

Hindi itinanggi pa ng suspek ang paratang laban sa kaniya.

Ayon kay Asis, posibleng isa sa mga dahilan kaya isinagawa ng suspek ang panghahalay ang pagkahumaling nito sa panonood ng pornographic movies.

“Ang factor na maaring nagtulak doon sa supect para gawin ‘yung panghahalay ‘yung pagkahilig niya sa panonood ng porn movies and then i-su-subject ‘yung biktima na mga bata for counseling,” sabi ng opisyal.

Itinurn-over na ang suspek sa Polangui Police Station sa Albay.

The post Manyak ni-rape ang 5 pinsan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manyak ni-rape ang 5 pinsan Manyak ni-rape ang 5 pinsan Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.