Facebook

3 dabarkads topnotchers sa 2021 physicial licensure exam

HINDI makapaniwala ang magkakaibigang Ian Juyad, Geremiah Llanes at Jian Leal nang makita ang pangalan sa resulta ng physician licensure exam bilang Top 3 passers.

Nagdarasal umano ng rosaryo si Ian at ang pamilya nang matuklasang siya ang nanguna sa exam results. Agaran itong ibinalita ng binata sa kaniyang girlfriend na nakapasa rin sa licensure exam.

Graduate ng University of the Philippines-Manila ang tatlong magkakaibigan. Si Ian ay nakakuha ng score na 87.5%, samantalang sina Geremiah at Jian ay nag-Top 2 at may parehong score na 87.42%.

Matapos malaman ni Geremiah na siya ay pumasa, tiningnan din niya ang pangalan ng mga kaibigan sa listahan ng resulta.

“So binuksan ko po ’yung document, tapos sabi ko lang talaga, ‘what?’ As in hindi ako makapaniwala kaming tatlong magkakaibigan ’yung nasa top two na spots,” ani Geremiah sa isang panayam.

Masaya rin si Jian na naipasa nilang magkakaibigan ang exam.

“The fact na hindi lang po ako, na kasama ko si Jed at si Ian doon sa top ba, parang nag-times two or times three ’yung saya kasi, wala eh… kami ’yun eh,” kwento ni Jian.

Mayroong 2,303 examinees ang naghanda sa October 2021 Physician Licensure Exam, at may 1,677 lamang ang pumasa, ayon sa Professional Regulation Commission.

The post 3 dabarkads topnotchers sa 2021 physicial licensure exam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 dabarkads topnotchers sa 2021 physicial licensure exam 3 dabarkads topnotchers sa 2021 physicial licensure exam Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.