NITONG nakalipas na Sabado, Nobyembre 13, nagulo at natulero ang taga-suporta ng mga Duterte at Marcos sa kaganapan sa last two days ng substitution process para sa mga magwiwidro at papalit na kandidato para sa Halalan ‘22.
Una, nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) sa Comelec si dating Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Rody Duterte, para Bise Presidente ni dating Senador Bongbong Marcos. Tandem sila, Sa-Bong! Palakpakan ang mga BBM. Tapos na raw ang halalan. Uwian na! May nanalo na! Hehehe…
After few hours, na-shock ang mga BBM. Natulala! Nanahimik! Nang pumutok sa social media ang pagdating nina Pangulong Duterte at kanyang “dakilang alalay” na si Senador Bong Go. Oo! Sinamahan ni Duterte si Go para magwidro as Vice President at mag-file naman ng Presidente, substitute kay Senador “Bato” Dela Rosa na nagwidro rin. Aray ko!
Sina Go at Bato ay kapwa “trusted men” ni Duterte. Si Senador Bato ay lumuluhod pa nga ‘yan kay Saint Digong at taga-bitbit ng bag ni Sara.
Lalo pang narindi ang BBM supporters nang matapos mag-sub, parang basketball, ni Go kay Bato ay inanunsyo naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pagtakbong Bise Presidente ni Duterte bilang running mate ni Go. Magkaka-totoo ang Go-Duterte, na nauna nang pinost sa Facebook ni kumpareng Usec. Benny Antiporda ng DENR.
Pero ngayong Lunes pa raw magpa-file for VP si Pangulong Duterte. Kapag nangyari ito, maglalaban sila ng kanyang mahal na anak Inday Sara. Kanino kayo? Sa ama o sa anak? Hehehe…
Bago pa ianunsyo itong Go-Duterte tandem ay lumalabas na sa mga komersiyal sa radio at TV ang mag-amo. Inaayos ni Duterte ang kuwelyo ng damit ni Go at sina-sabing “ikaw ang magpapalit sa akin”. ‘Yun na!
Pero may mga posible pang mangyayari pagkatapos nito, repapips! Yes! Remember ang nakasampang petition for cancellation sa kandidatura ni Marcos sa Comelec dahil sa hindi pag-file ng income tax return (ITR) sa BIR ng maraming taon kungsaan ay nahatulan siya ng conviction ng Quezon City Regional Trial Court at pinagtibay ng Court of Appeals na hindi narin niya inapela sa Korte Suprema? Dedesisyunan ito ng Comelec within few weeks or bago magsimula ang kampanya sa Marso, sabi ni Comelec Spokesman James Jimenez.
Majority sa Commissioners ng Comelec ay appointed ni Duterte at mga taga-Davao. Si Comm. Rowena Guanzon lang ang ‘di Duterte sa mga ito. Gets nyo ba ang ibig kong sabihin, repapips?
Ngayon… sakaling makansela ang kandidatura ni Marcos, gagaan ang laban ni Go at malamang na magwidro si Duterte para ibigay na kay Sara ang boto para sa kanya.
Oo! Malamang na mangyari ito. Dahil kung apat silang maglalaban-laban ay mahahati ang boto ng DDS at BBM, pare-pareho silang sa kangkungan pupulutin. Mismo!
Ang isa pang maaring mangyari rito ay baka mabuwisit ang kanilang supporters at iba nalang ang iboto, alin kina Isko Moreno, Manny Pacquiao o Ping Lacson pero surely never kay Leni Robredo. You know! Hehehe…
Pero ang higit na aani ng bentahe sa pagbabanggaan ng DDS at BBM ay si Robredo na consistent ang paglawak ng supporters, mga supporter na tahimik, hindi nakikipagbangayan sa social media, tulad ng nangyari noong 2016. This is just my fearless forecast, mga repapips!
The post Nagulo ang Sabado at mga aasahan pa ngayong Lunes appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: