Facebook

Naningil ng pautang, binayaran ng saksak

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang sinisingil sa utang sa Barangay Peñafrancia, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Jan Carmelo Cuano, 24 anyos, residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Naga City Police Office, kinompronta ng biktima ang salarin na si alyas Bornok na magbayad na ng kaniyang utang ngunit nagkaroon ang mga ito ng mainitang diskusyon hanggang sa mauwi sa pananaksak.

Sa report, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima. Mabilis namang tumakas ang salarin.

The post Naningil ng pautang, binayaran ng saksak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Naningil ng pautang, binayaran ng saksak Naningil ng pautang, binayaran ng saksak Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.