Facebook

Paalala ni Isko sa Manileño: “May impeksyon pa rin at nakakamatay, kaya ingat pa rin”

“MGA kababayan, maari pong patuloy nating nama-manage ang COVID ngunit may impeksyon pa rin at ito ay patuloy na nagdudulot ng kasawian kaya ingat pa rin.”

Ito ang paalala ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno, kasabay ng pakikiramay niya sa pamilya ng dalawang nasawi sa COVID kamakailan.

Tinukoy ni Moreno ang dahilan ng patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID sa lungsod sa kasipagan at kahusayan ng mga doctors, nurses at staff ng Manila Health Department sa ilalim ng hepe nitong Dr. Arnold Pangan.

Binigyang kredito rin ng alkalde ang hindi matatawarang pagtugon ni Vice Mayor Honey Lacuna na siya namamahala sa mass vaccination program ng pamahalaaang lungsod at pati na ang kooperasyon ng mga Manileño dahil nagpasya silang magpabakuna bilang tugon sa panawagan nila ni Lacuna.

Maganda ang tala ng Maynila, ayon kay Moreno pagdating sa bilang ng mga active, confirmed cases dahil bumaba na ito sa ilang daan pero dalawa ang nasawi at nakababahala pa rin aniya ito, dahil mahalaga ang buhay.

“Higit two million ang populasyon ng Maynila..pinakasiksik na siyudad sa buong Asya kundi man sa buong Pilipinas. Ang COVID di basta mawawala pero pag patuloy na mababa ang kaso, darating ang panahon makakapasok na sa trabaho, makakapasyal at makakapasok na sa eskwela,” sabi ni Moreno.

Idinagdag pa nito na : “Salamat sa Diyos for the past two weeks ay below 500 na lang ang active cases ng Manila. In fact, nung isang araw, for the first time ay 25 lang nag-positive. It only proves na ang kampanya naming ‘Vaccine Nation is the Solution,” ay nagiging effective.”

Samantala inulat ni Lacuna kay Moreno na ang kabuuang bilang ng na-administer na bakuna sa mga minors hanggang alas-5 ng hapon nitong Nov. 5 ay umabot na sa 16,936.

Ang mga nabakunahan ay pinaghalong minors na edad 12 hanggang 17 na may comorbidities at general population. (ANDI GARCIA)

The post Paalala ni Isko sa Manileño: “May impeksyon pa rin at nakakamatay, kaya ingat pa rin” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paalala ni Isko sa Manileño: “May impeksyon pa rin at nakakamatay, kaya ingat pa rin” Paalala ni Isko sa Manileño: “May impeksyon pa rin at nakakamatay, kaya ingat pa rin” Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.