Facebook

REWARD CARD NG KENNY ROGERS ROASTERS, MAY MAGIC?

(Brief History of KENNY ROGERS ROASTERS: In 1991, country singer/songwriter Kenny Rogers ventured into the fast-food business and co-founded Kenny Rogers Roasters with former Kentucky governor John Y. Brown Jr. Kenny Rogers Roasters opened its first restaurant in Coral Springs, Florida in August 1991.

By 1995, the menu had expanded to include turkey, ribs, and various side dishes. The chain eventually grew to over 350 restaurants, including locations in Canada, Europe, the Middle East and Asia.[5][6]

Kenny Rogers Roasters found itself in competition with Boston Chicken (later Boston Market) and several smaller roasted chicken chains.[7] Kentucky Fried Chicken also introduced a roasted chicken line of products called Rotisserie Gold to compete with Roasters and Boston Chicken.[7] In December 1992, Clucker’s, a minor player in the roasted chicken market, sued Kenny Rogers Roasters, claiming the chain had copied its recipes and menus.[8] The lawsuit continued until Kenny Rogers Roasters purchased a majority stake in Cluckers in August 1994.[6][8] Brown expanded the company to a chain of more than 425 restaurants before selling his interest in the franchise to the Malaysia-based Berjaya Group in 1996.)

Sikat at tinatangkilik ng maraming Pinoy ang KENNY ROGERS ROASTERS na may 41 na branches sa buong kapuluan.

Pito sa mga sangay nito ay pag-aari ng mga pribadong indibidwal na kumuha ng franchise sa nasabing fast food chain company.

Ang KENNY ROGERS ROASTERS Philippines ay pag-aari ng Berjaya Corporation na pinamumunuan ng Tsekwang (Fil-Chinese)si Vicente Tan.

Originally,ito ay isang Malaysian based corporation na pag-aari ni Seri Vincent Tan Chee Yioun.

Bakit natin ninais na magsagawa ng background check sa kumpanyang ito na alam naman nating tinatangkilik na marami sa ating mga kababayang Pinoy?

Bukod sa masarap na pagkaing kanilang isini-serve sa Pinoy customers, kapuna-punang malinis at magagara ang mga outlets ng Kenney Rogers Roasters kumpara sa iba pang fast food chains sa bansa.

Pati ang lokasyon ng mga restaurant outlets nito ay alam na alam nating metikulosong pinili at pinag-aralang mabuti.

Of course, mas mataas nga lamang ang presyo dito kung ikukumpara sa Jollibee at Mc Donalds.

Personal nating naranasan ang isa sa mga tila “MAGIC” o milagrong nakapaloob sa kanilang Reward Card promo ng Kenny Rogers na sa una ay tila nagbibigay ng magandang pabor sa kanilang mga regular na kliyente.

Ang atin pong personal na karanasan ay nangyari sa Kenny Rogers Roaster sa Taft Vito-Cruz branch kung saan tayo napadaan para kumain.

Nang gamitin natin ang controversial na Reward Card ng Kenny Rogers, sinabi sa inyong lingkod na naabot na natin umano ang maximum points na 2K sa kanilang promo kung kaya’t kinakailangan na raw nating gamitin ang points na na-accumulate natin sa susunod nating “purchases sa Kenny Rogers.

Natuwa naman tayo sa nalaman nating status ng ating REAWARD CARD.

Kung kaya’t nang sumunod na pagpunta sa Kenny Rogers Bacoor Junction nawindang tayo ng sabihing di nating magagamit ang points sa ating REWARD CARD dahil 200 points na lamang ang laman nito.

Biglang nagkaroon ng “MAGIC”!

From two thousand points, bigla na lamang naglaho ang 1,800 points ng ating Reward Card nang ganun-ganun na lamang.

Ofcourse, we will not take it sitting down at magpapauto sa kanilang “deceiving promo gimmick”!

Nagreklamo tayo sa kanilang Customer Service at ito “in toto” ang kanilang reply sa atin;

“Good day Sir Rommel, this is clouie from kenny rogers,bacoor junction. This is to inform you that we are still in process of tracing your last transaction with your RnB card. We already emailed your concern and waiting for their response. We’ll get back to you sir as soon as they replied to our email.

We are sorry for this inconvenience, and thank you for understanding. Salamat po!”

Sa awa po ng pitong kubang kuneho, magpahanggang ngayon ay wala pa pong malinaw na pahayag o paliwanag ang KENNY ROGERS ROASTERS sa inyong abang lingkod.

Nais nating iparating sa kumpanyang ito ni Ginoong Vicente Tan na hindi ganito ang ideal treatment at pagharap n’yo sa mga reklamo ng inyong mga Pinoy customers na may ilang dekada na ring tumatangkilik sa inyong negosyo.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.

The post REWARD CARD NG KENNY ROGERS ROASTERS, MAY MAGIC? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
REWARD CARD NG KENNY ROGERS ROASTERS, MAY MAGIC? REWARD CARD NG KENNY ROGERS ROASTERS, MAY MAGIC? Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.