UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng awtorisasyon ang Department of Budget and Management upang ipamahagi na ang parte ng local government units mula sa nakolektang excise tax sa locally manufactured Virginia-type cigarettes noong fiscal years 2018 at 2019.
Sinabi ni Go na ang matatanggap na tobacco excise tax shares ng mga benepisyaryong LGUs ay magiging malaking tulong sa economic activity sa agricultural sector, partikular sa tobacco industry, lalo’t sinalanta ng mga nakaraang kalamidad ang tobacco-producing provinces.
“Dahil po sa mga narakaraang kalamidad, naapektuhan ang produksyon ng ating mga magsasaka, kabilang na ang mga tobacco farmers. Marami sa kanilang mga pananim ang hindi napakinabangan,” ani Go.
Sa tulong aniya nito, mabibigyan ng suporta ang LGUs upang matulungan ang kanilang mga magsasaka na makabangon mula sa mga problemang kanilang kinahaharap.
Batay sa Section 3 ng Republic Act No. 7171, nakasaad na ang financial support na ibinibigay ng national government sa beneficiary provinces ay kukuhanin sa proceeds ng 15% ng excise taxes sa locally manufactured Virginia type of cigarettes.
Ang nasabing pondo ay hahati-hatiin sa beneficiary provinces pro rata, ayon sa dami ng Virginia tobacco production.
Lubos na pinasalamatan ni Go ang agricultural workforce sa pagsisikap na matiyak ang pagrekober ng bansa sa pandemya.
“Kung may maitutulong kami sa inyo, magsabi lang kayo. Huwag kayong mahiya lumapit sa amin dahil trabaho namin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magserbisyo sa inyo. Patuloy din tayong magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa upang malampasan natin ang mga pagsubok na hinaharap natin,” ani Go.
“Bisyo ko ang magserbisyo sa inyo. Gagawin natin ang lahat sa abot ng ating makakaya upang makapagbigay ng tulong at makapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” paniniyak niya.
The post Tobacco excise tax proceeds, ibigay na sa LGUs – Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: