Facebook

SC JURISPRUDENCE: DISQUALIFICATION CASE VS. BONGBONG MARCOS MAITUTURING NANG PASO

MASASABING paso na ang petisyon para kanselahin ang Certificate of Candidacy (CoC) ni 2022 presidential candidate at dating Sen. Bongbong Marcos Jr.

Sinasabing ito ay kung pagbabasehan ang naging pasya noon ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio T. Carpio sa “Ty-Delgado v. HRET” case.

Sa SC ruling na sinulat ni Carpio, binanggit na ang disqualification case na inihain dahil sa conviction ng kandidato sa krimen sangkot ang usapin hinggil sa “moral turpitude” ay dapat paso na limang taon pagkalipas mapanilbihan ang sentensya sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code.

Pinagbasehan ni Carpio, na ngayo’y retirado na, sa kanyang pasya ang Teves vs. Comelec sa computation ng nasabing disqualification.

Giit ni Carpio, dahil napanilbihan na ng pulitiko ang kanyang sentensya nang mabayaran niya ang multa noong February 17, 2011, ang five-year period ay nagtapos na ng February 16, 2016.

Nang patawan ng fine o multa si Marcos ay nabayaran na rin niya ito matapos ang ilang taon.

Kasabay nito, kung susundin ang SC jurisprudence ay tapos na ang five-year disqualification period kay Marcos.

Bukod dito, malinaw din sa 1997 tax case na dininig ng Court of Appeals na ang mga nakahabla laban kay Marcos ay hindi tungkol sa hindi pagbabayad ng buwis, kundi “failure to file an income tax return”.

The post SC JURISPRUDENCE: DISQUALIFICATION CASE VS. BONGBONG MARCOS MAITUTURING NANG PASO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SC JURISPRUDENCE: DISQUALIFICATION CASE VS. BONGBONG MARCOS MAITUTURING NANG PASO SC JURISPRUDENCE: DISQUALIFICATION CASE VS. BONGBONG MARCOS MAITUTURING NANG PASO Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.