
Ni GERRY OCAMPO
HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang inggit kay Heart Evangelista dahil sa pagiging fashionista at sikat na actress.
Sa kabila ng kanyang achievement, karangyaan sa buhay at pinaghirapan sa showbiz ay may mga nag-aakusa pa sa kanya na isang gold digger.
Nagulat ang mga netizen sa akusasyon ng isang basher na @BasherNgBayan nang mag-tweet na gold digger si Heart.
“Si @Heart021485 is a gold digger is a fact!” say niya.
Mistulang siguradong-sigurado ito dahil sa walang prenong pag-aakusa kay Heart.
Hindi naman ito pinalampas ni Heart para sagutin ang basher na akala mo ay kilalang-kilala ang actress.
“I don`t need anyone to survive. I am a woman and a woman can be or do anything she wants if she wills it. Remember I said that !” say ni Heart.
Masuwerte ang basher dahil naging mabait pa si Heart sa kanyang reaction. Kung nagkataon na si Luis Manzano ang ginawan nito ng isyu, siguradong mabubulabog ito at hindi talaga tatantanan hanggang sa lumabas ito para humingi ng sorry.
Anyway, paano magiging gold digger si Heart samantalang sa huling interview sa husband niyang si Senator Chiz Escudero ay nagpahayag ito na hindi niya kayang bigyan ng mamahaling mga luho si Heart dahil mas mayaman pa ito kumpara sa kanya.
At sa naturang interview ay muling nabanggit ang pagkakaroon ng pre-nuptial agreement nina Heart at Chiz.
***
MABUTI na lang at nagkataon na open city na ang Dubai dahil kung hindi ay baka nakasuhan pa si Jane de Leon dahil sa suot na sobrang iksing maong skirt habang namamasyal sa naturang progressive na bansa.
Sa video na ipinost ni Jane na tumatakbo siya para makaiwas sa sobrang init ng klima sa Dubai. Makikita na kinukunan ang pag-akyat niya sa hagdan palabas ng kalye hanggang sa pagtakbo nito papunta sa ilalim ng puno para sumilong dahil sa sobrang init ng sikat ng araw.
Habang umaakyat siya ng hagdan ay nakatutok ang camera sa llalim ni Jane kaya naman nabobosohan siya na kitang-kita ang kanyang singit habang umaakyat.
Nasa Dubai si Jane dahil may show sila ni Joshua Garcia. Siguro naman ay may nagpaalala kayJane na maging maingat sa pagsusuot ng seksing damit habang nasa nasabing bansa siya.
Dalawang bagay ang siguradong mangyayari sa kanya kapag nakursunadahan siya ng mga authority. Ang worst na possible na mangyari sa kanya ay mapagsamantalahan ng mga maniac na tao sa nasabing lugar.
Anyway, finally ay matutuloy na rin ang paglipad ni Jane dahil tuloy na tuloy na ang pagpapalabas ng Darna sa TV.
***
Jen hinahanap-hanap ang talakan nila ni Nova
Hindi makapaniwala si Jen Rosendahl former Viva Hot Babes na mag=aaral na ang kanyang anak na si Tyler.
Ipinost ni Jen sa Instagram ang first day na pagpasok ng anak sa school.
“There he goes off to grade 1. I can`t believe we have a 1st grader already…Good luck on yout first day my love,” caption ni Jen.
Proud mommy si Jen at ang husband niya na si Jules Changco na napalaki nila ng maayos at malusog ang kanilang first baby boy. Ngayon ay excited na rin daw si Tyler na pumasok ng school at magkaroon ng bagong kaibigan.
Masayang=masaya rin si Jen dahil magbabalik taping na siya para sa Pepito Manoloto: Tuloy Ang Kuwento sa character na Berta, ang robotic na kasambahay ni Mimi na ginagampanan ni Nova Villa.
“Akala ko ay hindi na kami makakabalik na buong cast sa Pepito Manaloto.. We all cried when we had our last taping day noong 2020; Parang hindi na namin makikita ang isa`t-isa ulit. Pero when they called na magte-taping na ulit, natuwa ako because I miss everybody, lalo na si Tita Nova, Balik kami sa bangayan namin bilang Berta at Mimi,” nakangiting say ni Jen.
Hindi akalain ni Jen na mapapasok siya sa comedy dahil ang pinasok ay pagpapaseksi sa showbiz. Kaya naman laking tuwa at pasasalamat niya sa GMA 7 nagtiwala at binigyan siya ng pagkakataon na mapasama sa isang comedy show.
Dahil magaling na sa pagpapatawa si Jen ay hindi malayong mag-guest or maging mainstay din siya ng longest running gag show sa Telebisyon, ang Bubble Gang na napapanood every Friday at 9:40 pm sa Kapuso Network.
Bagay na bagay si Jen na mapasama sa kakulitan ng mga seksi Bubble Gang barkada. Sigurado riot sa katatawanan ang pagsabak niya sa nasabing gag show.
The post Jane nabosohan sa Dubai; Heart inakusahang gold digger appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: