Facebook

Jomari nagbiro, may edad na si Abby kaya malabo nang magkaanak

Ni JOVI LLOZA

NAPA- react nang bongga ang bf ni Lovi Poe na si Montgemery Bancowe sa post ng picture nito sa kanyang IG account.
SA post kasi ay kasama nito ang heartthrob na si Piolo Pascual.
At paano di mapapa-react Ang dyowaer ni Lovi sa post nito na sweet na sweet sila ni Papa P kaya nasita ito.
Sa post sa caption ng pics ay may nakalagay na ‘Yes, mahal daan tayo it’s Showtime@piolopascual.
Nag-reppy naman si Piolosa caption post ni Lovi.
“Sige mahal papa pogi lang ako para sa’yo.”
Kaya naman napasagot at nasita si Lovi ng bf.
Aba nakaramdam ng selos ang bf ni Lovi kay Papa P.
Magkasama ang dalawa sa bago at unang project ni Lovi sa Kapamilya, ang Korean adaptation na Flower of Evil.
***
INAMIN ni Jomari Yllana na first love niya si Abby Viduya na dating sexy star na kilala sa name na Priscilla Almeda.
Mag kinse anyos sina Jomari at Abby noon hanggang nagkahiwalay at hinanap ang mga kapalaran.
After 30 years na di pagkikita ay muling pinagtagpo ang dating magkasintahan noong 2019 at nagkabalikan.
Ngayon nga raw magdyowa na sila ay nagplaplano ang aktor na pakasalan na ang gf na si Abby.
At bago pa man ‘yan ay gusto nitong maging tradisyonal bago pa man sila ikasal ng gf.
Gusto ni Jom na makaipon ng pang singsing at mamanhikan.
Pero pandemic pa kaya iniisip ng couple kung paano ia-assist ang kanilang mga visitor.
Kung si Jomari ay atat nang pakasalan ang gf tutal naman daw ay pareho na silang single.
Kung pinaplano ang kasal for sure ang pagkakaroon ng baby ay isa rin sa mga nakaplano.
Pero ayon kay Jomari kung ipagkakaloob ng Diyos pero ayon sa pabirong tsika ni Jomari ay pa-expire na raw si Abby, meaning may edad na ito.
Well, well, well…’Yun na!

The post Jomari nagbiro, may edad na si Abby kaya malabo nang magkaanak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jomari nagbiro, may edad na si Abby kaya malabo nang magkaanak Jomari nagbiro, may edad na si Abby kaya malabo nang magkaanak Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.