Facebook

ABOGADONG ANAK FIXER NI DADDY JUDGE?

Sa isang siyudad na katabi ng MANILA CITY ay matinde pala ang tandem ng mag-ama.., SI DADDY ay JUDGE sa REGIONAL TRIAL COURT (RTC) at LAWYER naman ang anak na ang papel nito ay maghagilap ng mga milyonaryong nahaharap sa mga kaso lalo na kung ang kaso ay ang kaniyang ama ang nagsisilbing TAGAHATOL.

Yun nga lang, nalalapit na rin yata na ang mag-ama naman haharap sa TRIAL COURT.., upang sila naman ang HAHATULAN dahil ang ilan sa kanilang natangayan ng milyong salapi ay may grupong nanghinihikayat para idemanda ng mga ito ang rakiterong mag-ama.

Sa bulong ng mga ARYA BUBUYOG na nakabase sa RTC ay modus na raw ng mag-ama ang makipag-transaksiyon.., ang anak ay aaktong FIXER at pangangakuan ang milyonaryong may kaso na mapapawalang-sala kapalit ng pera.

Isang NEGOSYANTE umano ang natangayan ng halagang P5 milyon sa pangako na mapapawalang-sala ito dahil ang JUDGE ay ama ng umaaktong FIXER.., gayunman nang basahan ng hatol ang NEGOSYANTE ay nanlumo ito dahil sa halip na ACQUITTAL ay pinatawan ito ng kaukulang parusa.

May nauna pa raw na kahalintulad nito na may milyonaryo ring nahaharap sa kaso at inalok ito na maglabas ng P10 milyon para maabsuwelto ito.., subalit nasentensiyahan pa rin ito ng kaukulang parusa.., at ang pera ay hindi na nabawi pa.

Sa ngayon ay pumapalag na ang NEGOSYANTENG natangayan ng P5 milyon na ibalik ng mag-ama ang perang ibinigay nito dahil hindi naman tinupad ang kasunduang siya’y ipawawalang-sala.

Bunsod nito ay may grupo na raw ang kumikilos para mahimok ang mga nadenggoy ng mag-ama dahil desidido raw ang NEGOSYANTE na maghain Ng kaso laban sa mag-ama.

Sa puntong ito ay nangako naman daw ang anak ng JUDGE na isasauli nito ang pera at huwag nang ituloy ang ninanais ng NEGOSYANTE na maghabla.., yun nga lang ay mag-iisang taon na raw sa November ay hindi pa rin daw ibinabalik ang pera.

Nakarating naman sa kaalaman ng anak ng JUDGE ang nakaambang pagdedemanda ng negosyante na sa halip na mataranta ang una ay hinaharass na umano nito at pinagbabantaan na raw ang NEGOSYANTE.

Yun nga lang ay may grupo na raw ngayon ang nagpapalakas ng loob at nagbibigay ng moral support sa negosyante na huwag itong magpadala sa pananakot ng mag-ama.

Tila sa mga susunod na buwan ay mahaharap sa malaking iskandalo ang mag-ama dahil sa puspusan na raw ang grupong umaasiste sa negosyante sa pangangalap ng mga matitibay na ebidensiya upang madiin sa kaso ang mag-ama.., kaya mga ka-ARYA, abangan natin ang magiging kaganapan dahil ang impormasuon ay manggagaling mismo sa mga ARYA BUBUYOG na nakabase sa RTC!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post ABOGADONG ANAK FIXER NI DADDY JUDGE? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ABOGADONG ANAK FIXER NI DADDY JUDGE? ABOGADONG ANAK FIXER NI DADDY JUDGE? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.