Facebook

AIELLE AGUILAR BATANG KAMPEON SA JIUJITSU KIDDIE DIVISION

DINAIG ng young sensational jiujitsu artist na si AILLE AGUILAR ang mas malalaking katunggali upang tanghaling batang kampeon ng idinaos kamakailang 2022 Little Foot Jiujitsu In- House Tournament sa Victoria Sports Club.

Si Aielle na gem nina international caliber medalist at champion Maybelline Masuda at Universal Reality Combat Championship ( URCC) Mixed Martial Arts founder at PH Wrestling president Alvin Aguilar ay tinalo ang kanyang nakatunggali sa kampeonato via submission sa unang bugso pa lang ng pambatang bakbakan.

At katulad ng kanilang naturunan sa mga maestro sa larangan tulad ng disiplina at pagiging sport, nagkamayan ang mga bata matapos ang laban pagbalik sa korner at buong pagmamalaki nilang ipinakita sa madlang entusyastiko ang kanilang napanalunang medalya ng pinagningning ng gintong panalo ni Aielle.

“ Better start ‘em young .Big things are product of small beginnings.Basta make sure lang sa safety ng mga bata ay matutpad ang munting pangarap,” wika ng proud mother na si Masuda, naging kabataang kampeon sa larangan ng jiujitsu sa international na kumpetisyon.” Make way for Aielle!”. Danilo Simon

The post AIELLE AGUILAR BATANG KAMPEON SA JIUJITSU KIDDIE DIVISION appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AIELLE AGUILAR BATANG KAMPEON SA JIUJITSU KIDDIE DIVISION AIELLE AGUILAR BATANG KAMPEON SA JIUJITSU KIDDIE DIVISION Reviewed by misfitgympal on Setyembre 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.