Facebook

‘Katips’ kasado na ang World Tour simula ngayong Setyembre

WALANG duda na kumita ang pelikulang Katips na iprinudyus, dinirek at pinagbidahan ni Atty. Vince Tanada.
Katunayan nito ang pagkakaroon ng world tour ng nasabing pelikula ngayong buwan, Sept. 13 hanggang December 18, taong kasalukuyan, sa iba’t ibang bansa.
Tsika ni Atty. Vince sa presscon kamakailan kasama ang ilang cast ng pelikula gaya nina Nicole Laurel Asensio, Johnrey Rivas at Vean Cumedo, masaya anya siya na hanggang ngayon ay marami pa ring kababayan natin na kahit nasa ibang bansa ay nais mapanuod ang Katips kung saan siya nanalo sa Famas 2022 bilang Best Actor/Director at Best Supporting Actor naman si Johnrey.
Ilang lalawigan na rin ang napuntahan nila at grabe anya ang pagtanggap sa kanila ng mga tao roon.
Sey pa ni Atty. Vince, may mga napuntahan anya sila sa La Union na inabutan sila ng mga tseke ng mga doctor at donasyon/kontribusyon daw sa gagawing world tour ng grupo.
“Siyempre, tuwang-tuwa kami dahil inaabutan kami ng mga tseke. Alam nyo ba na sa La Union pa lang ay umabot ng P300,000 ang mga tseke galing sa Doctors for Leni kaya nakakatuwa,” dagdag pa ng actor-director-producer.
Ayaw na ring masyadong magbigay pa ng komento at detalye si Atty. Vince sa pinakakalat ng iba na hindi umano kumita ang Katips at nakisakay lang daw ito sa popularidad ng kalabang pelikula.
“Ang mahalaga kumita. Sa napakaliit na puhunan namin, hindi umabot ng limang milyon ay kumita kami nang malaki. Kesa naman sa napakalaking puhunan na bumalik lang ang puhunan,” dagdag pa niya.
Narito ang listahan ng mga lugar at petsa na pupuntahan ng ilan sa Katips cast ngayong taon:
MIDDLE EAST: Dubai-9/13; Abu Dhabi 9/14; Kuwait 9/15; UAE 9/15; Oman 9/15
JAPAN: Tokyo 9/19
NEW ZEALAND: Auckland-9/18; Wellington 9/18; Christchurch
AUSTRALIA: Melbourne-10/1; Adelaide-10/2; Brisbane-10/5; Gold Coast-10/5; Sydney-10/8
SPAIN: Barcelona-10/16
UNITED KINGDOM-10/18-20
GERMANY: Stutgard-10/22-23
SWITZERLAND: Geneva-10/28; Zurich-10/29
ITALY: Rome-10/31 to 11/2
USA: New Jersey-11/11; New York-11/12-13; Washington DC- 11/14-16; Los Angeles-11/17-19; San Francisco-11/20-22; Sacramento-11/23; Hawaii- 12/12
CANADA: Vancouver-11/28-29; Edmonton-11/30; Winnipeg-12/2-3; Montreal-12/5; Ottawa-12/7; Toronto-12/9-10
HONG KONG: 12/17-18 (BLESSIE K. CIRERA)

The post ‘Katips’ kasado na ang World Tour simula ngayong Setyembre appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Katips’ kasado na ang World Tour simula ngayong Setyembre ‘Katips’ kasado na ang World Tour simula ngayong Setyembre Reviewed by misfitgympal on Setyembre 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.