Si Tim Cone ay may 24 na titulo sa PBA bilang head coach samantalang si Chot Reyes ay 9 pa lamang.
Si Coach Cone may hawak ng record na pinakamarami. Tinalo pa niya ang legend na si Baby Dalupan.
Oo mas matanda ang mentor ng Barangay Ginebra kaysa sa bench tactician ng TNT. Sa katunayan ay siya pinaka may edad kapareho ni Norman Black ng Meralco. Kapwa sila patungo na sa 65 na años.
Ang punto natin ay angat na angat si Cone kay Reyes kaya siya isinusulong nating humawak sa Gilas Pilipinas hanggang sa 2023 World Cup. Hindi tayo dapat mapahiya sa sariling bayan.
Kung sa player pinipili natin yung pinakamagagaling na available at magfit sa team, eh bakit hindi sa coach.
Naghandle na rin naman si Tim ng RP squad noon at miyembre ngayon ng coaching staff ni Chot. Hindi siya mahihirapan sa transition bilang HC.
Sa kasaysayan ng liga pangalawa si Dalupan kay Cone sa listahan na may 15 na korona. Pangatlo naman si Black na may 11.
Tie sa pang-apat sina Reyes, Austria at Jong Uichico.
***
Nagbebenta na ng ticket ang FIBA para sa World Cup sa isang taon. Kaso ang mabibili pa lang natin ay team pass para sa paborito natin na koponan. Limang game total, 3 sa 1st round at 2 sa 2nd. Nagkakahalaga mula P2, 500 hanggang P53,000 depende sa puwesto mo sa venue sa Araneta Coliseum o sa SM MOA.
May kamahalan talaga kasi mapapanood natin mga international star kabilang mga taga-NBA.
Maglalabas din marahil ng per game na ticket kapag malapit na torneo kung saan JIP ang bansag sa mascot. JIP kasi sa Japan, Indonesia at Pilipinas gaganapin mga laro.
***
Pabor si Pepeng Kirat sa panawagan ng mga tagahanga na isali muli si Jayson Castro sa national team.
Eka nga ni Pepe ay last tour of duty na ni The Blur. Kayang-kaya pa raw ng star pointguard na makipagsabayan sa mga higit na bata sa kanya. Pinatunayan niya yan sa huling serye nila ng SMB. May injury pa yang iniinda.
The post Cone 24, Reyes 9! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: