Facebook

MIAA GM Chiong pinaiimbestiagahan ang pagkawala ng luxury items ng isang pasahero

Iniutos ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Cesar Chiong ang isang masusing imbestigasyon kaugnay na diumano a pagkawala ng luxury items ng isang bagong dating na pasahero ng Etihaad Airways sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon kay MIAA public affairs office chief Ma. Connie Bungag: “we extend our sincere apologies to Etihad passenger Mr. Adrian Cotoco for his unpleasant experience upon arrival at NAIA Terminal 3 last September 8, 2022, when one of his baggage was discovered pilfered.”

“An all-night investigation conducted by the MIAA and Etihad through a review of various CCTV footages revealed that the luggage tampering could not have happened at NAIA Terminal 3 but at foreign airports where passenger made stop-overs enroute to Manila. We expect Etihad Airways to extend immediate assistance to passenger while the investigation continues”, dagdag pa ni Bungag.

Ayon sa complainant na si Adrian Villalon Cotoco, 23, Content Creator (Artist), may passport Number P5783653A at residente ng No. 42 Forest Hill St., New Manila, dumating siya noong September 8, 2022 dakong 6 p.m. sa NAIA Terminal 3, lulan ng Etihad Airways flight EY 424.

Dakong 9 a.m. ng September 7, 2022 ay umalis umano siya mula Madrid, Spain sakay ng Etihad Airways flight EY 46 at nag-stopover sa Malaga Spain ng 10:30 a.m. Matapos ang isang oras ay lumipad ito patungong Abu Dhabi at dumating doon alas-9 ng gabi,

Mula Abu Dhabi at lulan ng Etihad Airways flight EY 424 nang siya dy lumapag ng 3 a.m. ng September 8, 2022 sa NAIA terminal 3 saparehong petsa.

Nang kunin ni Cotoco ang bagahe sa carousel ay dun niya umano napuna na magaan na ang kanyang bag at sir ana ang mga lock.

Duon na niya nalaman na nawawala ang mga sumusunod: of Balenciaga shoes na nagkakahalaga ng 600 euros; Dior Slipper, 700 euros; tatlong Chanel perfume bottles, 660 euros at isang Jo Malone perfume na 200 euros ang halaga.

Nagbigay naman ang Airport Police Department kay Cotoco ng kopya ng police report para sa kanyang insurance claim. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)

The post MIAA GM Chiong pinaiimbestiagahan ang pagkawala ng luxury items ng isang pasahero appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MIAA GM Chiong pinaiimbestiagahan ang pagkawala ng luxury items ng isang pasahero MIAA GM Chiong pinaiimbestiagahan ang pagkawala ng luxury items ng isang pasahero Reviewed by misfitgympal on Setyembre 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.