Facebook

MGA TELCO INATASAN NG NTC LABAN SA TEXT SCAMS!

Dahil sa pagdami ng mga nabibiktima ng “personalized” fake job, lucky winner, bonus cash at iba pang kahalintulad na money scams hanggang ngayong buwan ng September sa pamamagitan ng mga telecommunication networks ay nag-atas ang NTC sa mga Telcos na bigyang babala sng publiko hinggil dito.

Para sa kapakanan g serbisyo ay inaatasan NG NTC ang lahat ng telcos partikular ang DITO Telecommunity Corporation, Globe Telecoms Inc at Smart Communications Inc na magsagawa ng text blasts araw-araw sa kanilang mga subscriber mula ngayong September 9 hanggang September 15, 2022 ng mensahaeng…

BABALA
HUWAG PONG MANIWALA SA TEXT NA NAGLALAMAN NG INYONG
PANGALAN NA NAG-AALOK NG TRABAHO, PABUYA O PERA. ITO PO AY
ISANG SCAM.

“You are also directed to accelerate the process of blocking SIM cards that are being utilized to perpetrate these fraudulent activities and to further expand the messaging
reach of your respective public information campaigns to the public regarding these new variants of text scams,” bahagi ng.memo na inilbas ng NTC.

Bunsod nito, ang mga Telcos ay inaatasang magsumite ng kanilang written report of compliance sa Office of the Commissioner bago sumapit o sa petsa ng September 19, 2022 sa pamamagitan ng email commissioner@ntc.gov.ph.

The post MGA TELCO INATASAN NG NTC LABAN SA TEXT SCAMS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA TELCO INATASAN NG NTC LABAN SA TEXT SCAMS! MGA TELCO INATASAN NG NTC LABAN SA TEXT SCAMS! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.