
Mahiwaga ang naging kamatayan ng isang inmate na sinasabing middle man sa Percy Lapid killing matapos umano itong bangungotin ng tanghaling tapat sa kanyang selda sa maximum security ng New Bilibid Prison (NBP) kama-kailan.
Ang inmate na si Crisanto Villamor ang tinuturo ng sumukong gunman ni Lapid na si Joel Estorial na siyang kumontak sa kanila at nag-alok ng halagang P550,000 para itumba ang beteranong broadcaster.
Si Estorial at ang tatlo niya pang kasama na kinabibilangan ng magkapatid na Edmond at Israel Dimaculangan at isang Orly ay sumang-ayon sa alok ni Villamor at agad isi-nagawa ang pagpaslang kay Lapid sa Las Pinas city.
Maliban kay Estorial, nananatiling nag-tatago ang tatlo niyang kasama na may reward o’ patong sa kanilang mga ulo ng halagang P6,500,000 sa sinumang makakapagbigay ng inpormasyon ng kanilang kinaroroonan.
Hinggil naman sa usaping bangungot na umanoy sanhi ng pag-kamatay ni Villamor, maraming nag-sasabing ilan lang o’ halos walang taong bina-ngungot ng tanghaling-tapat. Ang bangungot anila ay naga-ganap sa gabi, hatinggabi hanggang madaling-araw.
Masyado anilang kwestiyonable ang bangungot ni Villamor na natagpuang bangkay dakong 2pm na katanghaliang-tapat. Ang bangungot ay kino-konsidera ring atake sa puso.
Maraming ispekulasyon ang sumasagi sa isipan ng mga tao hinggil sa pagkamatay ni Villaflor, may nag-sasabing ito daw ay nilason, may nagsasabing ininiksiyunan daw ito ng kemikal na nagpa-pahinto ng tibok ng puso at ang huli na nangyari na umano ng maraming beses sa bilibid ay ang pagtatakip ng unan sa inyong mukha hanggang sa ikaw ay maubusan ng hangin at hininga.
Ang mga istilong ito ay pwedeng palabasin na ikaw ay inatake sa puso dahil sa hindi ka makikitaan ng anumang mantsa, sugat o galos sa anumang parte ng iyong katawan. Lalabas nga naman na walang struggle o kaya’y foul play na naganap.
Ayon din sa ilang eksperto, walang presong nakakatulog ng ganong oras dahil sa tindi ng init. Imposible rin daw na makatulog si Villaflor dahil alam na niyang sumuko na sa awthoridad ang kontak niyang hitman na siyang pumaslang kay Lapid.
Sentido-komon lang, siguradong hindi ka patatahimikin ng iyong konsensiya lalo na sa ganito kaselang isyu at kaganapan na kung saan ikaw lahat ang nag-ayos, nagplano, nag-kasa at nagbayad sa mga taong papaslang sa isang inosenteng tao, kayanin mo pa kayang matulog, he… he… he… para bangungotin.
Oktubre 17 sumuko si Estorial samantalang kinabukasan Oktubre 18 namatay umano sa bangungot si Villaflor. Masyadong mina-dali, masyadong ginarapal dahil hindi nga naman malayo na isigaw nito ang mastermind na nasa likod talaga ng pagpaslang, di po ba?
Una ng sinabi ng PNP sa BUCOR na bigyan ng seguridad ang middle man dahil sa ito na ang susi upang matukoy ang mastermind ngunit sa kabila ng abiso,hindi seguridad kundi kamatayan ang sinapit ni Villamor sa AOR ng NBP, bakit kaya?
Sa pahayag naman ni BUCOR Director GEN. Bantag, lumaabas na sinisisi pa niya ang PNP dahil wala daw koordinasyon at komunikasyon sa kanya dahil hindi daw niya alam ang involvement ng inmate.
Eh kanino kaya binilin ng PNPang seguridad ng buhay ni Villaflor at bakit hindi ito nalaman ni Gen. Bantag, binalewala ba siya ng kanyang sariling tauhan sa BUCOR?
Halimbawang hindi nga nakarating sa kanya, eh halos lahat ng press conference at balita ay televise at broadcast live nationwide dahil sa laki nga ng kasong nireresolba. Limelight na limelight ang usaping ito maliban lang kung ikaw ay nagte-tengang kawali.
Malakas din daw ang pakiramdam ni Villaflor na para bang alam na niyang siya ay mamamatay o’ dili kaya’y siya ay papatayin, bakit kamo?
Umaga pa lang daw bago siya bangungotin ng hapon noong araw din iyon Oktubre 18,2022, nag-text daw agad itong siVillaflor sa kanyang kapatid na si Marissa.
Ang konteksto ng text na pinakita ni Marissa sa mga kinauukulan ay masyadong emosyonal na para bang nagpapaalam na ang kanyang kapatid. Hinabilin din nitona bukod sa kanya ay may tatlo pa siyang kasama na may kinalaman sa pagpaslang kay Lapid.
Kinilala niya ang mga ito na isang “Kumander Sputnik”, “happy go lucky” at “BCJ”. Sina-saad din dito na ang order o’ utos sa kanila ay galing sa office na ayon kay Marissa ay opisina ng BUCOR.
Kung pagbabasehan ang mga mensaheng ito, hindi malayong merong kawani o’ dili kaya’y opisyal ng BUCOR na nasa likod at pwedeng mastermind sa Percy Lapid Slay.
The post BINANGUNGOT NG TANGHALING TAPAT, HE… HE… HE… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: