Facebook

Bar Exams tuloy ngayong Nobyembre – SC

INIHAYAG ng Korte Suprema na magpapatuloy ang 2022 Bar examinations gaya ng orihinal na naka-iskedyul sa buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni SC spokesperson Brian Hosaka na magpapatuloy sa November 9, 13, 16, at 20 ang 2022 Bar Exams.

Samantala, inanunsyo rin ni Hosaka na mayroong 9,916 examinees ang inaasahan para sa Bar exams mula sa 10,075 aprubadong aplikante ngayong taon.

Sa isang bulletin, sinabi ni Bar examinations chair Alfredo Benjamin Caguioa na magpapatuloy ang pagsusulit “maliban sa mga hindi inaasahang pangyayari at contingencies” na maaaring mangailangan ng rescheduling.

Ayon kay Caguioa, patuloy na gagamitin ng Korte ang Examplify para sa mga pagsusulit, isang secure na programa sa paghahatid ng eksaminasyon.

Nauna nang inanunsyo ng Korte Suprema na sususpindihin ang lahat ng sesyon mula Nobyembre 5, Sabado hanggang Nobyembre 22, Martes para sa Bar examinations.

The post Bar Exams tuloy ngayong Nobyembre – SC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bar Exams tuloy ngayong Nobyembre – SC Bar Exams tuloy ngayong Nobyembre – SC Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.