Facebook

Manyak ikinaskas ang siko sa dibdib ng bebot sa loob ng dyip, kulong

SWAK sa kulungan ang isang lalaking nagmolestiya sa dalagita na nakatabi lamang nito sa isang pampasaherong jeepney sa Quezon City.

Sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brigadier General Nicolas Torre III, mula kay Novaliches Police Station (PS 4) chief Lt. Colonel Jerry Castillo, nakilala ang naaresto na si Mario De Jesus, 26, ng Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Inaresto si De Jesus 9:00 ng umaga ng Sabado sa loob ng isang Public Utility Jeepney (PUJ), sa Quirino Hi-way, Brgy, Nova Proper, Novaliches.

Nauna rito, sumakay ang dalagita kasama ang kanyang nobyo sa jeepney kungsaan nakatabi nito si De Jesus.

Laking gulat na lang ng biktima nang maramdamang ikinakaskas na ng lalaki ang siko nito sa kanyang dibdib, kaya’t lumipat siya ng upuan at isinumbong sa kanyang nobyo ang pangyayari.

Dahil dito, nagalit ang nobyo ng biktima at tinitigan nito ng masama ang lalaki. Pero imbes na mangilag, galit pa umanong sinuntok ng lalaki ang nobyo ng dalagita.

Humingi ng tulong sa mga tauhan ng PS4 na nagkataong nagsasagawa ng anti-criminality patrol sa lugar, na nagresulta sa agarang pagkaaresto kay De Jesus.

Nahaharap si De Jesus sa kasong paglabag sa Republic Act 11313, The Safe Space Act na may kaugnayan sa RA 7610 o The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act and Physical Injuries sa piskalya.

The post Manyak ikinaskas ang siko sa dibdib ng bebot sa loob ng dyip, kulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manyak ikinaskas ang siko sa dibdib ng bebot sa loob ng dyip, kulong Manyak ikinaskas ang siko sa dibdib ng bebot sa loob ng dyip, kulong Reviewed by misfitgympal on Hunyo 05, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.