Facebook

10 nalibing ng buhay nahukay na sa Nueva Vizcaya

NATAGPUAN na ang sampong nalibing ng buhay nang matabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PDRRM Officer Robert Corpuz ng Nueva Vizcaya, nagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Quezon, Nueva Vizcaya Mobile Force Company at Quezon Police Station sa pagsagawa ng search, rescue and retrieval operation sa mga biktima.
Unang nakita ang bangkay nina Markconie Binwag, 25, binata, laborer, ng Maddela, Quirino; at Noel Tayaban, 39, laborer, ng Lagawe, Ifugao.
Natagpuan naman sa Sitio Bit-ang ang mga katawan nina Francisco Napadawan, 54, laborer, ng Diffun, Quirino; at Jomar Comilang, 33, laborer, ng Tayapa, Lagawe.
Dinala sa isang punerarya sa Baresbes, Quezon ang mga labi ng mga biktima.
Pansamantala hindi muna pinangalanan ang iba pang nasawi dahil kasalukuyan parin ipinapaalam sa kanilang mga pamilya’t kamag-anak.
Unang nakita si Julie Ann Tanisa, 15, estudyante na agad dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng mga nag-asikasong doktor..
Tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan na magbibigay sila ng tulong sa mga pamilya ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Ulysses.(Rey Velasco)

The post 10 nalibing ng buhay nahukay na sa Nueva Vizcaya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
10 nalibing ng buhay nahukay na sa Nueva Vizcaya 10 nalibing ng buhay nahukay na sa Nueva Vizcaya Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.