
NASAWI ang 24-anyos na lalaki nang mahawakan ang live wire habang nag-aayos ng yero ng kanilang bahay sa Binalonan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jonell Fernandez, taga-Barangay Bued.
Inilahad ni Edelberto Fernandez, ama ng biktima, na inaayos ng kaniyang anak ang sirang yero ng kanilang bahay nang aksidente nitong mahawakan ang isang live wire na nakasabit sa sampayan.
Naisugod pa sa ospital si Fernandez pero binawian din ng buhay.(PFT team)
The post Lalaki nag-aayos ng yero, patay sa live wire appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Lalaki nag-aayos ng yero, patay sa live wire
Reviewed by misfitgympal
on
Nobyembre 19, 2020
Rating:
Walang komento: