Facebook

Lalaki ni-rape ng 2 kaibigang lalaki rin

DINAKIP ang dalawang lalaki matapos ireklamo ng panghahalay ng isa nilang kaibigan na lalaki rin sa Mangaldan, Pangasinan.
Sa ulat, hind na pinangalanan ang 26-anyos na biktima.
Ayon sa report, inaya ng dalawang suspek ang biktima na makipag-inuman sa kanila. Ginawa ang inuman sa bahay ng isa sa mga suspek. Pero nang matutulog na, puwersahang pinagsamantalahan ng dalawa ang biktima at ginawan ng kalaswaan.
Ayon kay Police Lt. Colonel Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan Police Station, kaagad na inaresto ang dalawang suspek nang magsumbong ang biktima sa kanila.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang dalawang suspek pero itinanggi nila ang paratang.
Desidido naman ang biktima na ituloy ang reklamo sa dalawang kaibigan na bumaboy sa kanyang pagkatao.(PFT team)

The post Lalaki ni-rape ng 2 kaibigang lalaki rin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki ni-rape ng 2 kaibigang lalaki rin Lalaki ni-rape ng 2 kaibigang lalaki rin Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 18, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.