Facebook

Misis, 3 pa nalambat sa buy-bust

TIMBOG ang apat na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City.
Sa ulat, 1:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Bagong Kalsada St., Barangay Tangos South sa lungsod.
Kinilala ang mga naaresto na sina Nery Moron, 48; at Rowena Paras, 49, kapwa ng Brgy. Tangos South.
Nakuha sa dalawa ang 1.3 gramo ng shabu na nasa P8,830 ang halaga.
At 10:30 ng gabi nang matimbog naman ng mga operatiba sina Mark Modelo, 24, construction worker; at Randy Jiongco, 37, pedicab driver, sa Bacoog St., Brgy. Daanghari.
Nakuha sa mga suspek ang 5.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P37,400 ang halaga.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek. (Beth Samson)

The post Misis, 3 pa nalambat sa buy-bust appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis, 3 pa nalambat sa buy-bust Misis, 3 pa nalambat sa buy-bust Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 15, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.