Facebook

Nene, 5, nasawi sa bundol ng kaskaserong tricycle driver

KAAWA-AWA ang sinapit ng 5-anyos batang babae nang mabundol-patay ng tricycle sa national highway sa Barangay Dili, Sta. Cruz, Ilocos Sur, Linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Camille Abria Barbado, residente ng naturang lugar.
Kinilala ang driver ng tricycle na si Edward Tud Bautista, 34, dating OFW, ng Brgy. Paratong ng naturang bayan.
Sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Bautista at patungong hilagang direksyon nang biglang itong nag-overtake sa isang sasakyan hanggang sa masagi nito ang isa sa tatlo kataong nakatayo sa western shoulder ng southbound lane ng kalsada.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro mula sa kanyang kinatatayuan ang biktima.
Agad na dinala sa Ilocos Sur District Hospital sa Brgy. Bio, Tagudin ang biktima pero idineklarang dead-on- arrival.
Boluntaryo namang sumuko sa Sta. Cruz Municipal Station ang driver ng tricycle.

The post Nene, 5, nasawi sa bundol ng kaskaserong tricycle driver appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nene, 5, nasawi sa bundol ng kaskaserong tricycle driver Nene, 5, nasawi sa bundol ng kaskaserong tricycle driver Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 16, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.