Facebook

P2m tulong ng Maynila sa Cagayan

NAKAHANDANG tumulong ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley.
Katunayan, magkakaloob si Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso ng P2 milyon cash sa lalawigan ng Cagayan bilang tulong narin sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.
Ayon sa alkalde, nakausap na niya si Cagayan Governor Manuel Mamba para maipaabot ang nasabing cash assistance.
Anang alkalde, ang donasyon ng pamahalaang lokal ng Maynila ay pandagdag sa relief operation ng provincial government para sa mga nasalanta ng pagbaha.
Bukod dito, sinabi rin ng alkalde na mayroon naring fund raising efforts ang Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna Pangan para sa mga taga-Cagayan Valley.(Jocelyn Domenden)

The post P2m tulong ng Maynila sa Cagayan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P2m tulong ng Maynila sa Cagayan P2m tulong ng Maynila sa Cagayan Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 16, 2020 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.